Chapter 12

1110 Words
Chapter 12 MSCMMRC®2016 ======================================================== JD's POV: Pagkarating sa hotel bumaba na kaagad ako at sinaksak sa tenga ko yung headphones ko at dire-diretsong naglakad patungong elevator. Hindi mo'ko papansinin ah? Ohsige, para pareho tayo. Hindi rin kita papansinin, wala akong ginagawang masama kung mag alburoto yang playboy nayan WAGAS! Nilakasan ko talaga yung volume, yung parang matatalsik pati tutuli ko sa lakas. Ayokong may marinig na iba . Napahinto ako ng may humila sa akin at inalis yung headphones ko. Mas lalong nakalukot yung mukha niya at matalim yung tingin sa akin. "Ano bang problema mo? Bakit hindi mo ako pinapansin?" Kinuha ko yung headphone ko sa kanya at sinukbit sa leeg ko. TSaka siya inirapan at tumakbo na papuntang elevator na sasara na ata. "JD!" Tumakbo ako papuntang room ko at pumasok. Tiningnan ko sa loob kung nandun si Wendy, pero parang napasarap ata pasyal nun at wala pa. *kriiing* Playboy calling… Hindi ko pinansin yung cellphone ko at humiga nalang sa kama ko at umidlip. Naiinis ako sa hindi niya pagpansin sa akin habang nageexplain ako kahit hindi naman dapat. ABA! Effort ko naman, tapos hindi niya manlang papansin? ** Pagkagising ko mula sa pag-idlip, bumungad kaagad sa akin ang natutulog na si Chlyde sa tabi ko. Teka! PAano nakapasok to dito?! "PAANO KA NAKAPASOK?!" Sigaw ko na kinagising niya. Tiningnan niya lang ako at hinila pahiga at niyakap. Letse ginawa pa akong unan =_=. "Ma'am, bakit po kayo sumigaw?" Pasok ni Wendy na nataranta pa. "PAano nakapasok to?" Turo ko sa playboy na katabi ko at prenteng nakahiga sa kama ko. "Ehh..hiniram po yung card ko po eh. Sorry po Ma'am." Napabuntong hininga nalang ako at pinalabas siya. Pagkarinig ko ng pagsara ay hinampas ko siya ng unan kaya napatayo ng tuluyan. "Sorry na." Sabay nguso niya at pinagdaop ang mga palad niya. Oo, cute na siya! Pero, hindi stay in your poker face emotion Jayd! "Okay fine! Tumigil ka na dyan, mukha kang pato. Bwisit to!" I murmured at tumayo sa kama. "Yay! Thanks playgirl!" Sabay yakap sa akin, na kinagimbal ng sistema ko.  Waaaaah, bakit ganito?! I pushed him. "Oo na, lumayas ka muna dito dahil maliligo ako!" "Ako nalang magpapaligo sayo para hindi ka mahirapan?" Sinamaan ko lang siya ng tingin at sunod-sunod siyang hinampas ng unan. Pero ang loko tumawa lang at sinasangga yung hampas ko sa kanya. Letse, umandar nanaman pagiging perv ng lalaking to! "UMALIS KA NA NGA! BASTOS!" Tumawa parin siya hanggang makaabot sa pinto at biglang lumingon sa akin. "Baka magbago pa isip mo? Alam mo wala naman akong ginagawa eh." Tinaliman ko yung titig ko sa kanya. "Magbigti ka! Tumalon ka sa rooftop netong hotel! Bilangin mo buhok mo! Alamin mo kung ilang isda meron sa dagat. Kilalainin mo mga guest dito sa hotel!  LUMAYAS KA NA!" lumabas naman siya pero narinig ko pa yung tawa niya pagkalabas niya. Lakas mameste ng lalaking yun ah? Bakit hindi ko nalaman yun kaagad? =__= Napapasapo nalang ako sa noo ko at napapangiti. MAkulit siya, pero ibang klaseng makulit na napapangiti ako. Kainis! So naligo na nga lang ako at nagbihis, pagkalabas ko ng room nadatnan ko pa siya na nakasandal sa wall at parang may hinihintay pa ata. "Tagal mo namang maligo, dapat ako nalang nagpaligo sayo para mabilis eh." Sabi niya habang lumalapit sa akin. MAbilis ko namang inabot yung tenga niya at pinanggigilan na pingutin. Kebastos naman talaga ng utak ng lalaking to! "Araaaay! Alam mo bang ikatlong babae ka na sa pagkakapingot sa akin? Ang sakit ah!" Inambangan ko pa siya ng suntok ng umatras siya at tinawanan pa ako. "Sino yung una at pangalawa?" Tanong ko. Wala lang, curious ako eh. "Si Mommy at yung pamangkin ko na si Shane. Alam mo ba, paborito ako nun. Mahal na mahal pa. Damang-dama ko nga palagi eh." Shane? Yun ba yung kambal na anak nina Kuya Sedrick at Ate Jessica? Pfft, paborito daw? Eh nakita ko ngang asar na asar yung bata sa kanya eh. HAha "Oo nalang. Sa sobrang pagmamahal ng pamangkin mo sayo, bugbog sarado ka palagi. Galing!" I said sarcastically at tumawa. Pansin ko lang, napapadalas palagi tawa ko kasama tong playboy nato. "Eh naman eh, hindi kasi showy yun. Mana sa mga Magulang niya." Nakangiting sabi niya sabay akbay sa akin. Dumeretso nalang kami sa Dining Area ng Hotel para dun na kami magdidinner, may pinahanda daw kasi para sa aming mga business people na dito nagmalagi. Pagmamay-ari to nina Chlyde. Sarreh hindi ko nabanggit. "Tara, may niluto ako. Kinulit ko pa talaga si Kuya Ben para turuan lang ako sa isang recipe na ginawa niya." Giniya niya ako sa isang table na pangdalawahan. At agad din naman naiserve yung pagkain namin, at dahil isa akong dakilang mahilig kumain. Tinikman ko kaagad yung sinerve sa amin. "Eto ba yun?" Tumango naman siya at hinintay pa yung sasabihin ko, sumubo pa ako atsaka napapatingin sa kanya. "Infaireness, pwede na. Mapagtitiisan na." "What?" Kumain din siya at kinilatis yung niluto niya. Ngumiti naman ako at kumain nalang din. "Nakuha ko naman ah? Anong prob— hindi ka gutom no?" Umiling lang ako sa kanya habang puno yung bibig ko. He just chuckled at inabutan ako ng tubig. "Ikaw sisisihin ko kapag sumakit tyan ko." Sabi ko habang ninanamnam yung pagkain namin. "Nakita pa ako. MAgpasalamat ka nalang at pinagluto kita." Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. We just talked, share stories like before we just met, we laugh and we inaasar lang namin yung isa't-isa. Pagkatapos naming kumain hinila kaagad ako ni Chlyde papuntang room niya dahil makikipag-usap daw siya sa mga kapatid niya sa Maynila. Kelangan daw niya ng audience. =__= "Chlyde, bukas na yung conference. And sana naman magfocus at tumino ka."  I heard Kuya Xian's voice. "Opo naman Kuya, akong bahala." "Wala akong tiwala dyan kay Uncle Chlyde, Uncle Xian." I just hold my laugh sa sinabi ni Shane, napanguso naman yung loko. "Grabe, Mahal din kita Shane. Salamat sa pangpalakas ng loob ah?" "Its nothing." -Shane "BAsta ayus-ayusin mo ang performance mo Chlyde, may magrereport sa amin sa mga gagawin mo dyan kaya magdahan-dahan ka sa mga kalokohan mo." And that's Kuya Lem. "Sige Kuya." "I heard kasama mo si JD? I saw it on f*******:, its all over the internet Chlyde. So, she's not just another somebody huh?" Ngumisi naman siya sa sinabi ng Kuya Shin niya at kumindat sa akin. Inirapan ko lang siya, i felt my cheeks heated up. "She's with you, right?" -Ate Jessica. I saw him nodded at hinarap sa akin yung laptop niya. Kumaway lang ako sa kanila tsaka nalang tumabi kay Chlyde. "Hi po." "Yaaahmumimi ta?" Baby Liam mumbled as he saw me. "Hi Baby Liam!" I greeted. Ngumiti naman siya na kinangiti rin nilang lahat dun. We just talked to them, at nagpakwento pa sa nangyari dito at kung okay lang ba kami at kung ano-ano pa. But more sa tanong nila ay yung tungkol sa amin ni Chlyde. ========================================================
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD