KINAGABIHAN, habang naghahanda ng pagkain ang dalaga ay tinawag ito ni Owen. "Madice, come here." Hindi siya lumapit dito. Baka kung ano na naman ang maisipan niyang gawin sa kanya. "I said come here! Lalapit ka ba o ako ang lalapit sa 'yo!" inis nitong sambit. Medyo madilim sa salas kaya natatakot siya. Baka naka-hubad baro ito at bigla siya nitong dakmahin. "Madice!" Dahil sa takot ay lumapit na siya rito. "A-Ano' yon O-Owen?" "Owen? Amo mo 'ko, kaya Sir ang itawag mo sa akin." Natahimik siya sa sinabi nito. "Oho, Sir," tipid niyang sagot na ikinangiti ng lalaki ng palihim. "Sign this," anito na ibinigay sa kanya ang ballpen at isang form. Hindi naman niya alam kung tungkol saan iyon lalo at madilim doon. Kaya nagtanong siya. "Ano ho ito, S-Sir?" "Huwag ka nang magta

