Pagdating niya sa address na ibinigay ng detective sa kanya ay ipinarking niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumaba na siya. At hindi pa man sʼya nakalalapit sa mismong bahay ng dalaga ay nakita niya na si Mikal. Pinagmasdan niya ang lugar na iyon at nasa iskwater area pala ang mga ito. Bumuga siya ng hangin at nagtawag siya ng magbubuhat ng mga pinamili niya. "Boy," tawag niya sa lalaking malaki ang katawan pero parang bata pa ito sa hitsura. Lumapit ito sa kanya. "Bakit boss, anoʼng atin?" "Pʼwedeng pakibuhat itong mga pinamili ko sa bahay ni Ms. Madison, bayaran na lang kita. Hindi ko kasi kayang buhatin lahat," pahayag niya. "Walang problema boss," nakangiting wika nito at dinala nga ang isang sakong bigas at mga groceries. At malayo pa lang siya nang makita siya ni Mik

