Lumipas ang dalawang buwan simula nang mag-umpisang magtrabaho bilang katulong si Madice sa bahay ni Owen at ang dalawang buwan na iyon ay puro pasakit at pag-angkin ang ipinaramdam sa kanya ng dating kasintahan. Ang dalawang buwan din na sahod niya ay hindi rin nito ibinibigay. Baka kung ano pa raw ang maisipan niya at tumakas daw siya rito. Kaya nag-alala siya kung kumakain pa kaya ang mga kapatid niya. Rumaraket minsan si Marina sa mga beauty pageant, ngunit hindi iyon sapat sa kanila. Dahil hindi naman araw-araw na may pa-contest, ganoon din naman si Mayumi. Miss niya na ang mga ito. At gustong-gusto niya nang makausap ang mga kapatid. Hindi rin siya nakalalabas kahit sa bakuran. Wala rin siyang pantawag sa mga kapatid kaya nag-aalala na siya sa mga ito. Nang araw n

