Pagkatapos isinarado at ni-locked ang pinto, Sumandal si Owen doon at dinig na rinig niya ang pag-iyak ng dalaga. Naikuyom niya ang mga kamay at sinuntok niya ang pader saka umalis na roon. Hindi niya kasi kayang marinig ang iyak ni Madice dahil lumalambot ang puso niya rito. Tinungo niya na ang kanyang kuwarto at doon ginamot ang natamo niyang sugat mula sa pagkasusuntok sa pader. Bakit nga ba naging ganito siya kay Madice? Bakit napalitan ng galit ang pagmamahal niya sa dalaga? Pero iisa lang sagot niya. Dahil niloko siya nito at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ginawa nito sa kanya. Napabuntong-hininga siya at wala sa sariling inalala ang mga masasayang nakaraan nila ni Madice. Ngunit napalitan iyon ng inis nang maalala na naman niya na kayakap ito ni Ronnie. Kin

