Kinaumagahan nang Biyernes, tinawagan ni Owen si Andy para ibalitang nagkaayos na sila ni Madice at ibinalita rin niya ang kanilang plano na magpapakasal sila sa simbahan ngayong buwan. Kaya tuwang-tuwa ito sa nalaman. Ngayon din sila pupunta ng simbahan para mag file ng mga kakailanganing dokumento sa kanilang pagpapakasal. At tinawagan na rin ni Owen ang kilalang wedding coordinator. Nang araw ding iyon, habang abala sa pagluluto si Madice nang marinig niyang tumunog ang cellphone ni Owen. Ayaw naman niyang pakialaman iyon kaya tinawag niya ang asawa na nasa labas para sabihing may tumatawag sa cellphone nito. Lumapit naman si Owen para kunin ang tumutunog na cellphone at napakunot noo siya nang makita kung sino ang tumatawag. At hindi niya alam kung sa sagutin niya ba iyon. Na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


