KINABUKASAN, pagkatapos magbayad ng bill ni Owen sa ospital at bilhin ang mga nireseta ng Doktor para kay Madice ay umuwi na sila. . Pahinga lang at masusustansyang pagkain ang kailangan ng asawa para lumakas agad ito. Nagleave rin siya sa trabaho para maalagaan niya nang husto ang asawa. At pinag- isipan niyang mabuti na i-uuwi niya na si Madice sa kanyang mga kapatid, pagkatapos ng Linggo na ito. Dahil alam niyang nami-miss na rin nito ang mga kapatid niya. Alam niyang masama ang loob sa kanya ni Madice kaya iyon lang ang paraan para makabawi siya rito. Ang palalayain niya na ito. Na kahit na ayaw ni Madice na magtabi sila sa kama ay okay lang iyon. At hndi na rin siya nagpumilit baka ma-stress lang kasi ito 'pag nagpumilit pa siya. Samantalang nagtataka naman si Madice dahil s

