Simula nang mangyari ang sagutan nila ni Owen ay hindi na halos nagpapakita pa sa kanya ang binata. Nagigising na lang siya na may pagkain na sa mesa. Ngunit minsan ay hindi niya iyon kinakain dahil ayaw tanggapin ng kanyang sikmura. Umaga nang Martes nang siya ay magising ngunit masama ang kanyang pakiramdam. Umiikot ang paningin, at masakit ang kanyang tiyan. Gusto niyang tawagin si Owen ngunit naalala niya na baka pumasok na ito sa opisina. Pinilit niyang bumangon, tumayo siya para kumuha ng tubig ngunit hindi na kinaya nang katawan niya kaya siya ay bumagsak sa semento. NASA daan na si Owen para pumasok na sa opisina nang maalala niya na hindi nadala ang papeles na napirmahan niya kagabi. Kaya kinailangan niyang bumalik sa bahay niya para balikan iyon. Pagdating niya, agad

