Episode 6

2426 Words
Ashley Pagkarating namin sa mansyon ay agad ako nitong kinulong sa kwarto namin. Nainis ako sa sarili dahil wala akong magawa para mailayo ang sarili ko sa lalakeng ito. "What the hell that comes to your mind to leave the house! Just because I got mad at you?!" Galit nitong tanong sakin, nakaramdam ako ng inis dahil sa mga sinasabi niya dahil ang totoo naman ay umalis ako dahil nagloloko siya. "Tell me! You even let that assh*le kiss you!" Imbis na sagutin ko siya ay nanatili lang akong tahimik. Alam ko na mas ikakagalit nito ang hindi ko pag imik. "The f*ck!" Nabigla ako dahil sa ginawa niyang pagbasag ng vase. Nakaramdam ako ng takot dahil roon. Hindi ko akalain na ganito siya magagalit. Ngayon ko lang nakikita ang side na ito. "From now on you can't leave this house. I don't care what you were going to say." Giit nito. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Pagkatapos niyang magloko pananatilihin ako rito at ikukulong. Ano ako preso? Parausan? 'D*mn it! "Ano bang problema mo? Wala kang karapatan para gawin ito sa akin." Galit kung sigaw sa kaniya. Pero umatras ang tapang ko ng makita ko ang madilim nitong mukha at bakas rito ang matinding galit na mas lalong nagbigay sakin ng kilabot. "The hell Ash!" Muli nitong sigaw. "What?! Ang lakas ng loob mong magalit sa akin ngayon ikaw ang may sala sakin! Basta mo na lang ako kakaladkarin pabalik rito! Para ano huh! Ano bang karapatan mo para iganto mo ko!" Inis kung bulyaw sa kaniya. "Cause your my wife! And I'll do everything to lock you here! To make you safe!" Safe? "You're over reacting Luke! Wala namang mangyayari sakin na masama ah! And you can't just treat me like this!" Usal ko. "If you only knew..." Hindi ko masydong narinig ang huli nitong sinbi dahil umalis ito ng silid. Napaupo ako sa sahig dahil sa kawalan ng pag asa. Kilala ko si Luke, Kung ano ang gusto niya, kung ano ng nais niya, iyon at iyon ang masusunod, lalo na kung galit ito. ***** Nakatulugan ko na ang pag iyak, hindi na rin ako nakapagpalit ng damit dahil sa nangyari. Bumangon na ako para maligo dahil ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Pagkatapos kung maligo ay siya namang pagbukas ng pinto at inuluwa roon si Luke. Mahahalata mo sa itsura nito ang puyat. Maaring hindi ito nakatulog ng maayos kagabi. O kaya nagpunta ito sa babae niya t nagloving ng magdamag. Pumutok sana alaga mo letse! Dahil sa iniisip ko ay nakaramdam ako ng inis dahilan ng pagkakaroon ng matinding kalabog na ginawa kong pagsara ng aking closet. "What happened?" Nakita ko sa mga mata ni Luke ang pag-alala ng makalapit sa akin at sinipat ako kung may maskit ba sa akin. Lumayo ako at sinagot ko na okay lang ako. Rinig ko ang buntong hininga nito saka tuluyan ng pumasok sa banyo. Makalipas ang sampong minuto ay nakagayak na ito handa na para pumasok sa trabaho. Hindi ko ito nilingon, nakatingin lamang ako sa binabasa kung libro. "Let's go, handa na ang almusal." Pagbasag nito sa tahimik na kwarto. Hindi ko siya nilingon. "Hindi ako gutom." Usal ko at patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro. Nakarinig na lamang ako ng pagsara ng pinto. The hell! Hindi man lang talaga ako pipilitin! Pagmamaktol ko sa isipan ko. "Gaga! Nag iinarte ka pa kasi! Gutom ka na ngat nag inarte ka pa!" Para akong nasiraan ng ulo dahil sa ginagawa kung panenermon sa sarili. Dahil sa inis ko ibinato ko sa pintuan ang libro na binabasa ko. Hayop ka Luke! Nagpasya akong bumaba para makapag agahan dahil nagugutom na ako. Wala na akong pake kung maabutan ko pa siya or what! Basta gutom na ako. Mabuti na lamang din at hindi nito ni-lock ang pinto. Kung di ka naman kasi siraulo na! Padabog akong naghahanda ng makakain. At patuloy padin sa panenermon sa sarili. "Iha." Napalingon ako sa likuran ng marinig ko ang pagtawag ni nanay Belen. "Susmaryosep kang bata ka! Saan ka ba nanggaling? Papatayin mo ako sa pag aalala." Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa ginawa kong pagpapaalala kay nanay Belen. "Pasensya na ho nanay Belen." Paumanhin ko at ginawaran ko siya ng mahigpit na yakap. Si nanay Belen ang kasama namin ni Luke rito noong wala sina mom at dad. Siya ang tumutulong sakin sa mga gawaing bahay. Tinuturo niya sa akin ang gawain ng isang asawa. "Halos magdamag na nasigaw at nagwawala iyang asawa mo. Lahat kami rito natatakot, ganoon pala talaga ito magalit parang halimaw." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni nanay Belen. Bakit siya magwawala eh may iba naman na siya. Ano yon pakitang tao niya lang. Malandi ang amo mo nay Belen, nais kung sabihin iyon kay Nanay Belen pero mas pinili ko na lamang na sarilihin. "Oh siya, mag-agahan ka nat tuturuan ko pa iyong bago nating katulong rito." Pagka alis ni nanay Belen ay kumain na rin ako. Pagkatapos kong mag agahan ay nilibot ko ang bahay. "Hays! Bantay sarado talaga ako ah." Inis kung usal. Heto na naman ako, buhay preso! Samantalang ang hinayupak na iyon baka nasa babae niya! Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko dahil naalala ko ulit ang narinig ko noong araw na umalis ako. "Hayop ka Luke! Mas matindi ka pa sa baboy! Manloloko! Tiwalang tiwala ako sayong hayop ka!" Inis kung pinagsusuntok ang unan na hawak ko. Sumubsob ako sa unan at roon ako pumalahaw ng iyak. Maghapon akong naroon sa kwarto, hindi ako nakaramdam ng gutom o kahit ano. Buong araw lang akong umiyak dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Namumugto na rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Nakakabaliw. Gusto ko siyang komprontahin, pero nanaig ang takot sa puso at isipan ko. Aaminin ko, takot ako sa pwede nitong isasagot sa akin. Mababaliw na ako ng tuluyan pag-nagkataon. Narinig ko ang pagpihit ng pintuan at roon ay pumasok si Luke. Nakatingin lang ito sa akin sa bawat galaw nito ay sa akin lang nakapukos ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong nailang dahil sa ginagawa niyang iyon sa akin. Lumapit ito sa akin at may inabot itong maliit na box. Hindi ko lang ito pinansin at tumingin ako sa ibang direksyon. Bwiset ka! "Change and wear that.... It's Aro's Birthday. He invited us to his bar." Hindi ko siya kinibo tahimik lang ako na nakatingin sa box na nasa kama. "Change or I'll be the one who will do it!" Banta nito, napabuntong hininga na lang ako sa inis dahil sa turan nito. Padabog akong nagtungo sa banyo para maligo. Habang naliligo ay isang nakakalokong plano ang pumasok sa isipan ko. Tignan natin kung hindi mag init ang ulo mo. Humanda ka Luke Vhiel Del Valle. Pagkalabas ko ng banyo ay wala na si Luke sa loob ng kwarto, siguro ay nasa baba na ito. Pinatuyo ko muna ang aking buhok, naglagay lang ako ng light make up. I'm wearing a maroon V-neck strap dress na hanggang tuhod na pinarisan ng high heels na maroon rin ang kulay. Napangiti ako sa reflection ko sa salamin, hindi sa pagmamayabang pero maganda rin ang pangangatawan ko at talagang may itsura ako. Mas lalo akong napangiti kung gaano ka sexy ang suot ko. Sinuot ko ang earings na binigay ni Luke na lalong mas nagpaganda sakin. Hinayaan ko na lang rin na nakabuhaghag ang aloning kung buhok. Pagkatapos kung masipat ang sarili sa salamin ay nagpasya na akong bumaba. Napapangiti ako sa reaction niya. He hates it when I'm wearing this kind of dresses. Nakita ko ang gulat at panghanga sa mga mata niya habang bumababa ako ng hagdan. Gotcha! Pero nakita ko rin agad ang pag iba ng mood niya. Ramdam ko rin ang malagkit nitong titig sa akin. "What the hell are you wearing?" Bagamat mahinahon pero ramdam ko parin roon ang galit at inis na tinitimpi nito. "Edi damit." Wala gana kong sagot sa kaniya. Pinakatitigan ako nito na tila ba binabasa nito kung anonamg tumatakbo sa isipan ko. Tsk! "Siguraduhin mo lang na walang titig sayo roon, and if I caught someone staring at you. I swear I'll punish you." Nakaramdam ako ng kilabot sa ginawa niyang pagbulong sa aking tenga. Ramdam ko ng init ng kaniyang hininga na humaplos sa balat ko. Pervert talaga! "Tara na nga! Dami mong dada!" Pesteng babaero! Makaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami sa aming distinasyon. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad na hinapit ako sa bewang ni Luke papalapit sa kaniya. Ramdam ko ang higpit ng kaniyang kapit, at doon napagtanto ko ang mga kalalakihan na napapasulyap at napapatitig sa kin. Mission accomplished. "Oh what a sexy lady!" Akma akong yayakapin ni Aro ng pinigilan ito ni Luke gamit ang kamay na siyang itinapat sa mukha nito. "Happy Birthday bro! Don't touch my wife." Tsk. Lahat na lang talaga eh. Kala mo naman kung gaano ka possessive babaero naman. "Possessive as ever!" Pangangatyaw sakaniya ni Aro. Nahawakan ni Aro ang kamay ko at mabilis nitong ginawaran ng halik na agad ko namang nginitian. "Happy Birthday." Usal ko. Nakaramdam ako ng masamang titig at walang iba kundi si Luke iyon. "What?!" Inis kong tanong. Nagulat ako sa ginawa niyang paghapit sakin dahilan para mas madikit ang katawan namin ng husto. "Did you just let him kiss your hand, and you even smiled at him." "Ano bang ikinaseselos mo dyan! May ka i love you-han ka tas nagseselos ka." Hindi ko alam kung narinig niya ang huli kong sinabi dahil nangunot ang noon niya. Halos malasing na ang lahat maliban samin ni Luke, Aro at Jacob. Sa oras na iyon ay nakatitig lang sakin si Luke. Inaasar pa ito ni Aro na kesyo matutunaw ako dahil sa titig nito. Pero hindi ko iyon pinansin, maniwala ako dyan! *D*mn it! Bro, she's here." Rinig kong sabi ni Aro na tinapik si Luke. Tila naman naestatwa si Luke. Nakita ko ang pagkabahala sa kaniyang mga mata na tumingin sa akin. "Oh sh*t. Not now." Rinig kung usal ni Aro. Naramdaman ko ang higpit na paghawak ni Luke sa kamay ko. Ano ba ang nangyayari. "Hey babe! Oh, who is that sl*t?" Napaangat ang tingin ko sa babaeng ngayon ay nakatayo sa harapan namin na nakatitig kay Luke. Who is that slut?? Ako ba ang tinutukoy nito? Ito ba ang babae ni Luke? Tila hindi ako makagalaw sa kinauupuan. Naramdaman ko naman ang mas lalong paghigpit ng pagkakahawak ni Luke sa kamay ko. Tinignan ko si Luke at balisa ito. I knew it. It's his mistress. "Why are you holding her hand babe?" Inis na tanong ng babae at bumaling ito sa akin. "Don't you dare touch my boyfriend!" Sigaw nito sa akin. Nang napagtanto ko ang lahat ay agad kong kinalas ang kamay ni Luke at agad akung lumabas ng Bar ni Aro. Hayop dinala pa talaga babae niya roon, and what? Alam din ba nito ng mga kaibigan niya?! Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Bakit ganoon, ang kapal ng mukha niyang lokohin ako matapos niya akong saktan? "Ashley?" Napaangat ako ng tingin dahil sa pamilyar na boses. Tama ang hinala ko si Andrew nga iyon. "What the hell! Bakit ka umiiyak, bakit andito ka?" Inalis nito ang jacket na suot at saka pinasuot sa akin. "Stay away from my wife!" Napahiga si Andrew dahil sa malakas na suntok na pinakawalan ni Luke. Agad ko namang tinulungang tumayo si Andrew. "Ano ba? Ang hilig mong manakit ng tao!" Halos pumiyok na ako sa ginawa kong pagsigaw at di ko na napigilang umiyak. "Love, let me explain." Inalis ko ang mga kamay niya na humahawak sakin at umaatras ako para hindi niya ko malapitan. "That woman is crazy babe! Believe me." huh? "Siya ba ang kausap mo noong gabi na huli mo kung nasilayan?" Mahinahon kung tanong sa kaniya. "Love...." "Siya ang ka i love you-han mo?" "Answer me!" "Yes. Pero ginawa ko yon. Sinabi ko iyon para hindi siya magpakamatay. Love she's sick." Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa oras na iyon. "Andrew, sasama na muna ako sayo." Tanging iyon na lamang ang nasabi ko. Pero agad na hinila ako ni Luke. "Ano ba! Ayaw ko ng sumama sayo manloloko ka!" "Pre kung ayaw niyang sumama sayo, wag mo ng ipilit pa." Pagpigil ni Andrew. "Wag kang mangealam rito. This is between me and my wife!" Galit na sigaw ni Luke. Napatingin naman kami dahil sa pagwawala ng isang babae. "Luke! Luke! D*mn! Where is that b*tch!" Sigaw nito. Mahahalata mo rito ang galit sa mga mata niya, at tila ba natakasan ito ng bait dahil sa itsura nito. "Stop it Diane! Tumigil ka na!" Sigaw ni Luke rito na ikinagulat namin dahil ramdam ko roon ang galit. "Tara na Andrew." Akmang aalis na akong bigla akong sugudin noong Diane dahilan para mapaupo ako. Agad namang hinila ni Luke papalayo ang babae sa akin. "D*mn it Diane. Huwag mong sasaktan ang asawa ko! Kaya lang ako nagtitimpi sayo dahil pinakiusapan ako ni tito, Just to stop you from taking your own life! But if you hurt my wife, It would be nice to take your own life! I'll be f*cking let you kill your own self!" Ramdam ko ang gigil sa mga salitang binitawan ni Luke. "But y-you...you say, you love me." Tila naging maamong tuta ang babae dahil sa mga sinabi ni Luke. "I have no choice! Ayaw ko ng madagdagan ang alalahanin ko! I'm so f*cking tired of things nakikisabay ka pa!" Galit nitong sigaw, halos marami na ang lumabas at pinapanuod ang nangyayayaring kumosyon. "I don't care anymore! Hindi ko na hahayaan na mawala pa ang asawa ko dahil sa kahibangan mo! I just did all those shits because your dad was so f*cking worried about you!" "No! no no no no!! Nooo!" Tila baliw na nagsisigaw ang babae. Pinipilit pa nitong lumapit kay Luke pero pinipigilan lamang siya ni Aro na makalapit. Napatingin ako kay Luke. Naawa ako ng makita ko sa mukha nito ang sobrang pagod at sobrang frustration nito. Ngayon alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko, nakaramdam ako ng matinding awa sa asawa ko. "Andrew umuwi ka na." Agad akong lumapit kay Luke. "Aro ikaw na ang bahala sa baliw na yan." Napatingin ako kay Luke, Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya at di ko na iyon pinansin. "Umuwi na tayo." Usal ko sa kaniya. Sumakay na ako sa kotse ng walang imik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD