Ashley
"Kung alam ko lang na sasaktan ka niya ulit, edi sana hindi na kita hahayaang mapunta sa lalakeng iyon." Ramdam ko ang galit sa mga salitang binitawan ni Andrew.
Dito ako nagtungo ng makaalis ako sa mansyon, maaga akong umalis para hindi ako maabutan ni Luke. Buti na lamang at nakalusot ako sa mga bodyguard nito. Ang plano ko ay kina Amber ako pupunta, pero wala siya at di ko macontact.
"Andrew, kakapalan ko na ang mukha ko. Maari ba akong manatili sa resort niyo. Kahit dalawang linggo lang, gusto ko munang makalimot at umalis dito. Ayaw kung puntahan niya ako." Hindi din kasi maganda na babalik ako sa dati kung tirahan dahil panigurado ako na pupuntahan ako nun roon.
"Ano ka ba Ash. Andito lang naman ako para sayo, kahit na siya ang mahal mo at hindi ako. Hindi kita iiwanan." usal nito. 'Sana nga ikaw na lang Andrew'.
"Salamat Andrew." Binigyan ko lamang siya ng payak na ngiti. Hindi ko magawang magsaya sa oras na ito. Dahil mas nanaig ang sakit. I thought my decisions were right, pero hindi pa pala.
Nagtungo muna kami sa mall para makabili ng gamit ko, dahil wala ako masyadong nakuhang gamit. Tanging ang mga mahahalagang bagay lang ang nadala ko. Mabuti na lang at mabait si Andrew, siya lahat ang nagbayad ng mga damit na napili ko at iba pa.
*****
Makalipas ang ilang oras ay narating na namin ang isla. Sinalubong kami ng mga katiwala nina Andrew. Pinakilala naman sa akin ni Andrew sina manang Rosing at mang Canor, at ang iba pang miyembro ng pamilya ni mang Canor.
Agad rin na umalis si Andrew dahil marami pa siyang trabaho na kailangan taposin. Bibisita na lamang siya pagkatapos ng mga trabaho nito upang masamahan ako.
Ayaw pa sana nitong umalis dahil ayaw niya akong maiwan mag-isa dahil baka may gawin daw ako sa sarili ko, hindi naman ako ganoon nuh! Isa pa ayaw kung maging sagabal sa kaniya, marami na siyang naitulong sa akin kahit simple lang na sabihin pero lubos ang pasasalamat ko kay Andrew sa tuwing wala akong malapitan lagi siyang andyan.
Maayos naman ang lahat, nakakatuwa na makasama sina mang Canor at ang pamilya niya. Nakakataba ng puso ang kabaitan nila, at mararamdaman ang sobrang saya nila sa simpleng buhay na meron sila. Ito ang nais ko, ang magkaroon ng masaya at simpleng pamilya, kung buhay lang sana ang anak ko. Napa-haplos ako sa aking tiyan, iniisip na naroon parin ang anak ko.
'Patawarin mo ako anak, di kita nagawang alagaan noong nasa sinapupunan pa kita'
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luhang pilit kong pinipigilan
***
Matapos namin maghapunan ay hinatid ako ni mang Canor sa aking silid. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ito umalis. Muli sa pag iisa ko naramdaman ko na naman ang lungkot.
Pagkatapos kong maligo, ay agad akong nagtungo sa terrace upang matanawan ang napakalawak na karagatan. Tanging ang buwan at bituin ang naging ilaw ko sa napakadilim na kapaligiran.
Napakasarap ng dampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Napatitig ako sa langit.
"Anak, naririnig mo ba ko. Tulungan mo namang sumaya si mommy oh." Tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit kailangang maranasan ko ang ganito. Naging masama ba ako sa nakaraan kong buhay kung kayat ngayon ay pinapadanas sakin ang mga bagay na ito.
Maayos na ako noong una, pero muli akong binalikan ni Luke at sa huli, muli ako nitong sinaktan. Tama ba na umalis ako agad at hindi hiningi ang explanation nito, o kaya tama lang na iwan ko siya ng ganoon.
Pinunasan ko ang aking mga luha na patuloy sa pagtulo, nandito ako para makalimot. Hindi ako narito para umiyak at magmukmuk. Tama na muna na isipin ko si Luke. Sarili ko na muna.
Nagpakawala ako ng buntong hinga bago pagpasyahaan na pumasok na sa loob upang makapagpahinga.
"Magiging maayos din ang lahat." Usal ko bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
*****
Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa aking mukha. Nagulat ako ng makita kung si Andrew ito.
"A-andrew."
"Napakapayapa ng mukha mo habang natutulog, sana ganiyan ka lagi. Pasensya ka na at pinasok na kita rito sa loob. Gusto ko lang masigurado na okay ka." Bakit hindi na lang si Andrew ang una kong nakilala at minahal. Siguro naging maayos ang lahat kung siya ang una kung minahal.
"Sorry Ashley." Akma itong aalis ng hawakan ko ang kamay nito para pigilan sa kaniyang pag alis. Binigyan ko siya ng isang ngiting nagsasabing okay lang. Ngumiti naman ito pabalik.
"Bumangon ka na riyan at mag aalmusal na, hintayin na kita sa baba." Paalam nito sa akin at nagulat ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa aking noo.
Sa ginawa na iyon ni Andrew, Si Luke ang aking naalala, na sana siya ang humalik sa aking noo sa aking pag-gising. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko nagawnako parin itong isipin lalo na ang mga bagay na ginagawa nito sakin para mapangiti ako, na ngayon ay hinahanap at nangungulila ako.
*****
Pagkababa ko ay handa na ang almusal. Umupo ako sa tabi ni Andrew, at nandito rin ang pamilya ni Mang Canor.
"Bagay kayong dalawa. Aba'y iho, kung ako sayo pakaingatan mo itong nobya mo." Halos masamid ako sa sinabi ni mang Canor. Narinig ko naman ang pagtawa ni Andrew.
"Sayang nga po eh. Kung nauna lang akong dumating sa buhay niya edi sana kasal na kami." Napatingin naman ako kay Andrew ng sabihin niya iyon. Pero tinawanan niya lang ang reaksyon ko.
"Abay, bakit naman?" Pagtatanong naman ni manang rosing. Tumingin ako kay Andrew at hinihintay ang isasagot nito.
"May asawa na po si Ashley. Kung ako lang po ang nauna, sana ngayon hindi siya nasasaktan." Napatitig ako kay Andrew na ngayon ay nakatitig na rin sa akin. Agad akong bumaling sa aking kinakain. Naging tahimik ang aming pagkain hanggang sa natapos kami. Tila ba hindi din nila alam kung ano ang dapat na sabihin.
Nagpasya akong pumunta sa tabi ng dagat kung saan may mga duyan na nakahilera, agad akong puwesto at nahiga. Napakasarap ang simoy ng hangin.
"Pasensya ka na kanina." Halos magulat ako dahil sa nagsalita mula sa likuran ko. Ngumiti ito bago pumunta sa malapit na duyan at humiga roon. Pumikit ito, at roon napagmasdan ko ang kabuuan niya. Mahahaba ang pilik mata nito, matangos ang ilong, at mapupula ang labi, may maganda din itong pangangatawan. Moreno ang kulay nito pero kahit ganoon ay malakas ang appeal nito. Gwapo si Andrew, maraming mga babae ang gustong maging kasintahan niya, mabuti na lang at hindi babaero si Andrew.
"Matutunaw ako niyan." Agad akong napabaling sa malawak na karagatan. Nahiya ako dahil nahuli niya ang ginawa kong pagtitig.
"Kamusta ka?" Tanong nito sa akin, agad akong nakaramdam mg lungkot sa tanong niya. Wala naman nagbago, dahil nakakaramdam pa din ako ng lungkot.
"Ash. Wag mong hayaan ang sarili mo na lamunin ka ng lungkot. Kaya ka andito para makalimot. Ang ganda ng tanawin oh." Ngumiti siya sa akin. "Pa pangit ka niyan." Napatawa naman ako sa sinabi niya.
Tama siya, andito ako para makalimot. Mas magandang i enjoy ko na muna ang tanawin kesa ang isipin ang mga bagay na nagbibigay ng bigat sa aking kalooban.
*****
Napagpasyahan namin ni Andrew na mamasyal sa isla. Sa ganoon ay nawala ang lungkot na nararamdaman ko. Napakaganda ng lugar na ito, hindi nakakasawang puntahan.
"Ano pagod ka na ba?" Tanong ni Andrew sa akin. Kasalukuyang nakaupo kami sa isang malaking bato na kung saan natataw ang iba pang isla na malapit roon.
"Hindi naman. Salamat Andrew, nag enjoy ako. Mabuti na lang at may kaibigan akong kagaya mo." Mabuti na lang at hindi siya kagaya ng iba, na mapagsamantala. Ramdam ko ang sensiridad sa akin ni Andrew.
"Anything for you." Ginawaran niya lamang ako ng ngiti. Inilahad nito ang kamay na siya namang kinuha ko para makatayo.
"Tara na balik na tayo. Birthday ni Anne, may gaganapin na selebrasyon." Bulalas nito. Si Anne ay apo ni mang Canor. Sagot ni Andrew ang lahat. Naging kapatid na rin ang turing nito sa mga anak at apo ni mang Canor.
"Hintayin na lamang kita sa labas." Pagkahatid sa akin ni Andrew sa kwarto ay agad na akong naligo para makapag ayos na rin ako. Sa gilid ng dagat ang selebrasyon ng kaarawan ni Anne.
Napili kung isuot ang isang summer tube na dress na pinaghalong white at light blue color, hanggang tuhod lng ito na pinarehas ang flipflops na sandal. Naglagay lang ako ng konting powder at lipstick, nilugay ko rin ang mahaba at maalon na buhok.
"Your beautiful." Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi ni Andrew. "Hey, don't be shy. It really suits you." Binigyan ako nito ng matamis na ngiti bago hinila papunta sa parang dance floor.
Nabigla ako ng hilain niya ako papalapit sa kaniya, mahigpit ang pagkakahapit niya sa bewang ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil s ginawa niya kung kaya't napayuko ako. Pero iniangat nito ang aking mukha kung saan pantay na ang aming mga mukha.
Naramdaman ko ang kaba na dumadaloy sa kalamlaman ko. Hindi matutuwa si Luke pag nalaman niya ito. Pero bakit si Luke parin ng nasa isipan ko.
"Pwede bang kahit ngayon lang Ash...kahit ngayon lang...Be mine." Napatigil ako sa pagsayaw dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayaw kong masaktan si Andrew.
"Kahit ngayon lang Ash." Muli nitong inangat ang aking mukha, isang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha. Sa maling kilos lang ay maari ko na siyang mahalikan. Naramdaman ko ang mas lalo niyang pagkakahapit sa aking bewang, na sinisiguradong hindi makakawala sa balak nitong gagawin.
Napalunok ako dahil sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Di ko alam ang sasabihin dahil na rin sa gulat sa mga sinasabi nito.
Napasinghap ako ng siniil ako nito ng halik na siyang ikinagulat ko. Hindi ako nakagalaw sa ginawang niyang paghalik sa akin.
"D*mn you!"
Huli na ng mapagtanto ko na nakahandusay na sa buhangin si Andrew at pinapaulanan ni Luke ito ng suntok. Nabigla ako sa nangyari kaya hindi agad ako nakakilos para awatin sila.
May mga umawat rin sa kanila. Agad akong lumapit kay Andrew na ngayon ay dumudugo na ang putok nitong labi.
"Okay ka lang ba?" Tumango lamang ito at masamang nakatingin sa lalakeng nasa harao nito.
"And you!" Duro nito sa akin. "Your going home!" Mahigpit ako nitong hinawakan sa pulsuhan at hinila papalayo kay Andrew.
"Bitawan mo nga ako!" Pilit kung hinihila ang kamay ko na mahigpit niyang hinawakan. "Ano ba Luke nasasaktan ako!" Tila bingi ito at patuloy lang sa pagkaladkad sa akin.
"What comes into your mind to leave the house, and who gave you the permission to go with that assh*le?" Nasasaktan na ako sa ginagawa niyang paghila sa akin dahil na rin sa mahigpit nitong pagkakahawak sa aking pulsuhan.
"Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin Luke!" Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. At mas nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Binuhat niya ako at isinampa sa kaniyang balikat.
"Ano ba! Ibaba mo ko! Hindi ako sasama sayo! You jerk!" Halos pagsusuntukin ko na ang likod nito pero parang wala lang naman ito sa kaniya na tila ba hindi nasasaktan at sanay na ang katawan sa ganoon.
Agad ako nitong ipinasok sa loob ng kotse. Napanghinaan na ako ng loob ng hindi na ako makalabas pa. Umusbong ang galit ko dahil sa ginawa niya, kaya ng tuluyan siyang makapasok at makaupo ay pinag hahampas ko ito.
Agad naman nitong hinuli ang mga kamay ko at sinenyasan ang driver na paandarin na ang sasakyan. Tumingin ako ng masama sa kaniya at inagaw ang mga kamay ko.
"The next time you leave make sure that I wont find you or else..." Matalim itong nakatitig sa akin. Bagsak ang mga balikat ko dahil nasisigurado kung preso ang dating ko.
Well, kahit saan naman ata ako magtago mahahanap at mahahanap ako nito. He is LUKE, who has a lot of connections.
Hindi na lamang ako umimik sa aming biyahe at nanatili na lang akong nakatanaw sa labas ng sasakyan.