Episode 14

2003 Words
Ashley Halos pabalik balik lang ang ginagawa ko sa loob ng silid namin ni Luke, pinagbawalan kasi muna ako nitong lumabas. Balik sa dati, tila ako isang preso na naman. Balak ko pa naman sana na magpunta sa coffee shop para kamustahin ang mga staff ko at para matignan ang shop. Napabuga ako ng hangin dahil sa pagka inip. Halos isang linggo ng ganito ang naging routine ko. Nakakabagot. Muli kung naalala ang nangyari sa akin sa isla. Ano bang nangyayari? Bakit may mga ganoong pangyayari sa aming buhay? Ang alam ko, walang kaaway si Luke pagdating sa Kompanya, at isa pa wala akong matandaan na kinagalitan niya. At kung meron man, anong dahilan niya? Bakit kinailangan na umabot sa ganito. Malabong si Diane dahil nasa mental ito, hindi rin naman kayang gawin iyon ng daddy niya, dahil matalik na magkaibigan ang mga ama nila. 'May mga bagay pa ba ako na hindi nalalaman tungkol sa aking asawa?' Sa pag iisip ko ay nagpunta ako sa opisina ni Luke dito sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko para gawin ito. Nagbabakasakaling makahanap ako ng sagot. Halos mahalughog ko na ang buong opisina nito, pero ni isang bagay na makakapagbigay ng sagot sa mga katanungan ko ay walang nasagot. Napasalampak na lang ako sa sahig dahil sa inis. Kung bakit ba kasi wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Ayokong mamatay ng walang alam sa mga nangyayari. Bagsak ang mga balikat kung tumayo, dahil wala akong makikita kahit na ano. Akma na sana akong aalis ng may nahagilap ako sa may bookshelf nito. Mahahalata na may nakaipit roon na isang pulang envelope. Mabilis ko itong kinuha at binuksan, nagtaka ako sa nakita. Isang papel kung saan meron itong mga nakadikit na larawan, at may isang pulang tali na siyang nagkokonekta sa mga larawang nakadikit roon. Para itong crime board, ngunit nakalagay lamang sa isang maliit na bondpaper. Hindi pamilyar ang mga litratong nasa papel na hawak ko. Naka konekta ang mga larawan sa isang litrato na nasa pinaka mataas na dulo ng papel, pero mas nakaagaw ng attensyon ko ang isang litrato. Hugis babae ito na may nakalagay na question mark roon. Ang nasa pinakamataas na litrato ay nakakonekta lamang doon. Muli kong tinignan ang laman ng envelop, nagbabakasakaling may makita pa akong mga larawan. Pero ni isa ay wala na akong nakita. Muli akong napatingin sa mga larawan. Sino ang mga ito? Ano ba itong ginawa ni Luke? Bago ko inaayos ang envelop, kinuhanan ko muna ito ng larawan gamit ang cellphone ko, at mabilis na ibinalik sa tamang lalagyan nito dahil narinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Luke. Agad na akong bumaba para salubungin ang aking asawa na maagang dumating. "Akala ko ba ay gagabihin ka?" Takang tanong ko sa kaniya. Pero imbes na sagutin ako nito ay agad ako nitong hinila paakayat, patungo sa aming silid. Naupo ito sa may sofa, at pinaupo naman ako nito sa kaniyang tabi. Binuksan nito ang Tv, saka nito isiniksik ang mukha sa aking leeg. "I miss you." Rinig kung usal nito. "I miss you too." Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may tumawag sa telepono ni Luke. Tumayo ito at lumabas ng aming silid. Nagtaka naman ako sa ginawa nitong pag alis upang sagutin ang tawag nito. "Babe. I need to go back." Usal nito ng muling makabalik sa aming kwarto. "Stay here." Nagpalit muna ito bago umalis. Hindi pwedeng tutunganga lang ako, kailangan kung malaman ang lahat. Pagkaraan ng ilang minuto ay nag ayos ako. Habang nasa loob ng silid ay nag iisip ako ng paraan paano makakaalis ng hindi ako nahahalata ng mga guards. Dali-dali akong bumaba at pinagmasdan ang mga nakabantay sa gate. Para akong criminal sa ginagawa ko ah. Usal ko sa aking sarili. Nasisiraan na din ako ng ulo. Paano ba ko makakalabas! Muli akong sumilip sa may bintana, at ganoon pa rin ang posisyon ng mga guards. Nauubusan na din ko ng pasensya. Abala ako sa pagmamasid ng biglang may pumasok na idea sa aking isipan upang makaalis. Napangiti ako sa sarili dahil sa kalokohan na aking naiisip. Sa aking pag talikod sa bintana upang magpunta muli sa aking silid ay tumama ang noo ko sa isang matigas na bagay? Pader? Pinakiramdaman ko ang bagay na tumama sa aking noo, at roon ay napagtanto kung hindi bagay ang nabangga ko, ngunit tao. Tao? Napaangat ako ng ulo at isang pares na mga mata ang matalim na nakatingin sa akin ngayon. Napalunok ako at unti unting napaatras. Tila nagsisi ako sa ginawa kung pagtangkang pag alis sa bahay. "What do you think your doing?" Mahahalata rito ang inis sa tono. "T-tago taguan?" Halos gusto kung sabunutan ang sarili dahil sa katangahan kung sagot. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtaas ng kilay nito. "You're planning to go outside? I told you Ash, it's not safe!" "Huh? I told you, I was playing hide and seek. Ooh, Nay Belen taya ka." Para akung tanga sa ginawa ko. Gumuhit naman sa mukha ni Nay Belen ang kalituan sa aking inaasta. "Diba Nay, naglalaro tayo ng tagu taguan. Diba?" Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin, na nagtatanong kung ano ba ang ginagawa ko. Ngunit mababakas sa mukha ni Luke na hindi ito naniniwala. Napabuntong hininga na lang ako, sinyales na talo ako sa ginawa kung kalokohan. "Nakakainis naman kasi! Nagkukulong na lang ako lagi dito, ni wala akong kaalam alam sa mga nnagyayari. Ano iyon, mamamatay akong walang alam?!" Inis kung pahayag, mababakas naman ang guilt sa mukha ni Luke. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng galit dahil na rin sa mga nangyayari. Gusto ko din malaman ang mga nangyayari, ano bang silbi ko? Ni wala akong ka alam alam. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito, ngunit nakatingin lang ako sa kawalan. Nagbabakasakaling may sasabihin ito ngunit. "Just please Ash, stay here. I need to go." Akma sana itong lalapit sa akin upang hagkan ako sa noo, pero umatras ako. "Asawa mo ako, at nararapat lang din na malaman ko kung ano ang mangyayari, ano pa ang saysay ko? ni katiting wala akong alam kung ano ang nangyayari sa asawa ko." Pagkasabi ko nun ay nagdadabog akong nag-tungo sa hagdan upang pumunta sa aming silid. Makaraan lamang ng isang minuto ay rinig ko na ang pag alis ng kaniyang sasakyan. Agad ko namang kinuha ang aking telepono at agad na tinawagan ko si Amber upang papuntahin siya dito sa bahay. Kailangan ko ng kaibigan ngayon. Makaraan ng kalahating oras ay dumating rin si Amber. Agad akong lumabas ng silid upang salubungin ito sa labas. Rinig ko pa ang tila pag aaway ng mga ito, dahil ayaw papasukin si Amber. Ngunit ng makita ako na nasa labas ay agad silang nag sitahimik. "Kaibigan ko siya, let her in." Utos ko, pero umiling lamang ang mga ito. Muling nabuhay ang inis ko dahil sa hindi nila pag sang ayon, marahil utos na naman ito ni Luke na hindi pwedeng magpapasok ng kahit na sino rito sa aming bahay. "Papapasukin niyo siya o matatangal kayo?" Inis kung turan, ngunit hindi man lang nila ako kinibo bagkus ay nagsi ayos ito ng kanilang mga pwesto. "Pano ba yan best! Ayaw akong papasukin, siguro next time na lang. Ito kunin mo na lang itong pasalubong ko sayo, I'm sure namiss mo yan." Abot sa akin ni Amber ang isang paper bag. "Hindi, kaya nga kita pinapunta rito para maka bonding eh. Sandali lang." Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Luke. "Bakit ba pati mga kaibigan ko, ayaw papasukin ng mga tauhan mo?" Inis kung pabungad sa kaniya. "For your safety." Maikli nitong sagot mula sa kabilang linya. Naiinis naman ako dahil sa naging tugon nito. Ito na ang ayaw ko, ang pagbawalan ako sa lahat ng bagay. Isa pa wala naman akong kasalanan, para ako ay pagtangkaan. "Pwes ngayon, sabihin mo sa mga tauhan mo na papasukin ang kaibigan ko Luke. Hindi na ako natutuwa sa ganitong set up!" Rinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Okay, fine." Pagkarinig ko iyon ay agad ko ng ibinaba ang tawag at tumingin sa mga guards. Makalipas ng ilang minuto ay naging maayos din ang lahat. "Grabe, ang higpit naman ng asawa mo best, para ka namang preso nito! Ano ba kasi ang nangyayari ha?" Agad na tanong sa akin ni Amber ng makapasok na ito. Narito kami ngayon sa may garden. "Mahabang storya." "Share mo naman! Bakit ba napaka higpit nila ni ako na kaibigan mo pinagbawalan papasukin." "Nakakalungkot na isipin, pero may gustong magpahamak sa akin, sa mga taong malalapit kay Luke. Kaya ganito na lamang ang higpit niya sa akin, dahil isa ako sa mga pontirya nila." Nangunot naman ang noo ni Amber, bakas ang kalituhan sa mga mukha nito. "What do you mean? May nakaaway ba si Luke? Oh my! About what naman?" Napabuntong hininga ako, dahil wala naman akong masasabi. "Iyon na nga eh, wala akong kaalam alam sa mga nangyayari and here I am parang isang preso." "What?! Asawa ka niya, at higit sa lahat may karapatan ka na malaman ang lahat ng nangyayari. Hayss! Kinakabahan ako at the same time natatakot ako para sayo. Kung maari nga muna sa ngayon, wag ka na munang aalis o lalabas. Mahirap na baka mapatay ka." Wala naman na akong magagawa kung hindi ang manatili na lang dito sa bahay hanggat hindi pa nahuhuli ang mga taong gumawa ng mga ito. "Wait, I remember, iyong nangyari sa isla, anong ginawa nila sayo?" "Kung maari Amber, ayaw ko na iyong pag usapan pa. Kilabot ang tumatatak sa akin pag naaalala ko iyon." Agad naman ako nitong yinakap, mabuti na lang at nandito si Amber. Ang matalik kung kaibigan. "Ah oo nga pala, halika't ipasyal kita dito sa loob." Inilibot ko naman si Amber sa loob ng bahay, natutuwa ito, nakakainggit raw ako dahil sa ganito ng klaseng pamumuhay, na kung saan lahat ng pangangailan ko ay narito na. Ngunit a anhin ko ang mga ito, kung preso lang naman ako rito. "Grabe! Hindi pag ako nakatira dito, hindi ako mabobored. Alam mo naman na hilig ko ang pagbabasa, baka ito ang gawin ko sa buong maghapon!" Nagagalak na pahayag ni Amber, narito kami ngayon sa mini library, ito ang pinaka gusto kung puntahan pag nagagalit o kaya nalulungkot ako. "Oh! Mag gagabi na, kailangan ko ng umalis best. Sa susunod na lang ulit huh." "Oo naman, sa susunod isama mo na rin si Andrew!" "Gyera na kayo ng asawa mo if ever!" Napatawa na lang kami dahil roon. Nang makaalis si Amber ay siya namang dating ng asawa ko, pero sa inis ko sa kaniya ay hindi ko ito kinikibo. Agad akong nagpunta sa mini library para makaiwas sa kaniya. "Grrr! Nakakainis talaga!" Halos pabalik balik lang ako ng lakad sa loob ng library, naiinis ako ngayon kay Luke. Ayaw ko itong makita, nagtatampo ako at nagagalit. Hays. Rinig ko ang pagkatok sa pinto, alam ko kung sino iyon, kaya agad akong nagkunwaring nagbabasa, at pinapakiramdaman ang nasa paligid. "Babe, dinner's ready. Let's eat." "Maya na ako kakain, tatapusin ko lang itong binabasa ko." "Hmm. Paano mo matatapos yan kung di mo din maiintindihan ang nakasulat sa libro." Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya, at inis na tinignan siya, ano sa tingin niya sakin. Di marunong magbasa at hindi makaintindi? Aba! "Sa tingin mo magbabasa pa ako ng mga libro kung di ko rin naiintindihan?" Inis kong sungbat sa kaniya. "Well babe, you don't really understand what you were reading. Baliktad iyang libro mo." Dahan dahan naman ako sa pagbaba ng tingin upang tignan iyong libro na hawak ko. At sa isip isip ko ay napamura na lamang ako. Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi ko na napansin na baliktad pala ang libro na binabasa ko. Padabog kung binagsak ang libro at nagmamadaling tumayo para lumabas sa silid aklatan. Minsan, may pagka shunga ako sa mga bagay bagay tuwing natataranta hays!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD