Aira
Nagising ako dahil sa mga kalabog na naririnig ko sa baba, rinig ko rin ang mga sigawan ng mga katulong.
Ano bang nangyayari?
Pagtatanong ko sa aking sarili. Mabilis akong bumangon mula sa aking kinahihigahan. Wala din si Luke ngayon dahil may trabaho rin ito.
"Nay Belen?" Pagtawag ko ng makababa ako sa hagdan. Hindi ako makatayo sa kinatatayuan ng makita ko silang nakadapa at nakatotok sa kanila ang limang baril na hawak ng limang lalakeng mga nakaitim.
"Aah!" Nagulat ako ng biglang may humawak sa aking mga kamay at pinipilit akong kinakaladkad palabas ng bahay.
Rinig ko rin ang mga sigawan ng mga katulong, napatingin ako sa aming paligid at nakita kung walang malay ang mga guards ni Luke.
Ito na nga na ang kinakatakutan ko. Lalong bumilis ang kabog ng aking puso ng may isang Van na tumigil sa harap ng aming bahay. Pilit pa rin akong kinakaladkad at nagsisisgaw na rin ako nagbabakasakaling may makarinig sa akin.
"Nalintikan na!" Rinig kung sigaw ng lalakeng may hawak ng baril na siyang nakatotok sa akin.
Napasigaw ako ng biglang tumumba ang lalakeng nakahawak ng baril, ganoon rin ang dalawa pa na nakahawak sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari, naramdaman ko na lang ang paghila ng dalawang lalake sa akin papasok sa bahay.
"D*mn it!" Napatingin ako sa pinto ng may pumasok roon, si Luke.
"Secure the house!" Utos nito sa mga tauhan. Sunod sunod na nagsipasok ang mga kaibigan namin ni Luke.
Ngunit tulala lang ako at pilit na iniintindi ang mga nangyayari. Kinakausap ako ni Luke, tinatanong ako nito kung may masakit pa sakin o kung sinaktan ba nila ako.
Pero ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Nakatulala lang ako at tila hindi na alam ang gagawin.
"Hey Ash, Magsalita ka naman." Rinig ko pang sabi ni Edward.
Napatingin ako sa kanila, at isang butil ng luha ang bumagsak mula sa aking mata.
"Pwede niyo bang sabihin sa akin kung ano ang mga nangyayari kasi mababaliw na ako sa kakaisip! Mamamatay ako sa kaba, sa takot!" Di ko na mapigilan ang galit ko dahil na rin sa takot na nararamdaman ko.
"Babe..." Napatingin ako sa kaniya, bakas sa mukha nito ang takot at lungkot. Ano nga ba ang nangyayari Luke.
"Please! Sabihin niyo sakin ano ba ang nangyayari? Bakit may ganito! Ano itong mga nangyayari? Ilang beses na kong nakakaranas ng ganito!" Di ko napigilan ang umiyak. Wala akong alam sa mga nangyayari.
"Babe, keep calm I'll tell you everything."
Inalalayan ako ni Luke papunta sa aming kwarto habang sina Edward ay nanatili sa baba at sini secure nila ang buong bahay.
Maayos din ang lagay ng mga guards maliban lang sa isa na natamaan ng bala ng baril. Maayos din ang lagay ng mga katulong at si Nanay Belen ay maayos din.
Pinaupo ako ni Luke sa aming kama. Hindi ito mapakali sa kaniyang pwesto dahil tila nahihirapan ito sa gusto nitong sabihin.
"Please Luke. Sabihin mo na sakin." Napatingin itonsa akin at huminga ng maluwag.
"The reason why I had a divorce on you, a fake divorce, it's because I want you to be safe. May mga natatanggap akong mga death threat na kung saan damay ka. I had no choice, but to push you away. Para lang hindi ka madamay." Patuloy lang ako sa pakikinig sa kaniya.
"Pero nagkamali ako sa desisyon na ginawa ko. I thought they will let you go, but I was wrong, at ang matindi pa nito. Kinaibigan ka pa." Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.
Kinaibigan ako? Sino? Si Amber? Si Andrew?
Sila lang naman ang mga kaibigan ko na malapit sa akin. Pero bakit naman nila gagawin sakin ang mga ito. Wala akong matandaan na dahilan para magkaganito. Napaka imposible.
"It was Amber. Amber Gomez, or should I say, it's Amber Dela Questa." Bumakas sa aking mukha ang kalituhan kung kaya't nagpatuloy sa pagsasalita si Luke.
"I thought pushing you away was the best decision for you to become safe, but I was wrong. She knew about you, that's why she planed to become your friend." Patuloy nito.
"When I knew that she's with you, that's the day why I showed up to you. Knowing that you don't want to see me because of what I did. But I have too. That's why I forced you to go home and even locked you up. At doon ko rin nalaman kung gaano ako katanga sa ginawa kong desisyon, dahil nawalan ako, tayo ng anak." Ramdam ko ang hinagpis nito at galit.
"Pero bakit si Amber, wala akong matandaan na may nagawa akong masama sa kaniya, at isa pa hindi naman kayo ganoon ka close ni Amber. Pero bakit ito ginagawa ni Amber sakin?" Pagtatanong ko sa kaniya. Dahil kung totoosin, naging mabuti akong kaibigan at ganoon rin naman si Amber sa akin. Kaya paanong si Amber ang may pakana ng lahat ng ito.
"I know it hard to believe, but believe me babe."
"Pero bakit ginagawa ito ni Amber?"
"Kung totoosin wala kang kasalanan dito, pero nais ni Amber na magdusa ako, sa pamamagitan ng pagkuha sayo. It' s because she thought I'm the one who killed her father, but the truth is, it was all an accident. I was just defending myself."
"Defending yourself from what? Ano ba ang pinagtalonan ninyo at umabot pa sa ganito? Ilang beses na akong napupunta sa bingit ng kamatayan."
"Robert Dela Questa, one of the famous bussines man, also he is a mafia. He was my biggest enemy in bussines. I thought everything between us was okay and good, pero balak na pala ako nitong patumbahin ng patalikod. Nangyari ang insidente na iyon ng pauwi na ako galing Singapore ng bigla kami nitong pinaulanan ng baril. I have no choice but to fight back kung hindi ay mamatay ako."
Nanatili akong tahimik dahil pilit ko rin iniintindi ng mga sinabi sa akin ni Luke.
Kung ganoon lahat ng kabutihan na ipinakita sa akin ni Amber ay dahil parte iyon ng plano niya, anak si Amber ng mayamang mafia. At narito siya upang maipaghiganti at makamit ang hustisya para sa kaniyang ama.
"Bakit kailangan humantong sa ganoon?"
"Hindi patungkol sa trabaho kung bakit ganoon. Dahil isa ako sa nagpatigil ng kaniyang transaction."
"Ano?"
Ngunit alam ko na sa sarili ko kung ano ang mga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pabungad sa kanila.
" Babe, I'm a mafia."
'He was...a what? Mafia?!'