Maaga akong nagising dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Hindi ko alam na mayroon pala nito sa loob ng kwarto nina Julian at naka-set pa iyon. Siguro ay si Rose ang nag-set niyon kahapon upang maagang magising at hindi mahuli sa flight. Hindi ako sanay sa sobrang ingay tuwing umaga kaya ini-off ko rin iyon nang hindi na ako nito bulabugin tuwing umaga. Matapos kong ayusin ang aking pinaghigaan ay dumiretso ako sa banyo upang mag-toothbrush. Wala naman akong lakad ngayong araw ngunit mas mainam nang magsipilyo ako. Baka kasi bigla na lamang pumunta rito si Gunther. Sinabi pa naman nito kahapon na dito muna ito tatambay ngayong araw dahil wala raw itong schedules. Mas mabuti na rin iyon upang magkaroon ako ng kaibigan dito. Kahit naman kasi napakaganda ng condo unit na ito ay hindi pa

