"Justin? Jus?" "Hayaan mo na muna s'yang matulog, babe. Let's just write him a letter para mabasa n'ya when he wakes up." "No, I have things that are better off telling him personally. Nakalimutan mo na bang he's still not familiar around here? We can't just leave him alone with a letter." Dahan-dahan akong napadilat dahil sa narinig kong munting pagtatalo ng mag-asawa. "Oh, gising na pala s'ya, eh." Sambit ni Julian. "Justin. Mabuti naman at nagising ka na. Aalis na kami." Ani naman ni Rose na sobrang lapit ng mukha sa akin. Kaagad akong napabalikwas ng bangon at napaupo sa sofa. Umaga na pala! Masyado yatang napasarap ang tulog ko. "A-anong oras na, Rose? Pasensya na at nakatulog ako nang mahimbing." Paghingi ko ng paumanhin. "No, it's okay. It's just 8am pa lang naman. We have s

