"R-rose!" Gulat at natataranta man ay nagawa ko pa ring hawakan sa pala-pulsuhan si Rose at saka ay inakay ito palayo ng condo unit. Makasarili na kung makasarili. Ayokong masira ngayon ang relasyon nila ni Julian. Ayokong mawasak ang inakala kong perpektong pagmamahalan nilang dalawa. Hindi ako papayag na matulad sa akin si Rose. Alam kong masyado akong nangingialam. Ngunit sa palagay ko ay hindi ito ang tamang oras upang masaktan nang lubusan ang puso ng aking kaibigan. Sa isang iglap ay mababasag ang tila pantaserye nitong buhay pag-ibig kasama si Julian. "Saan mo ba ako dadalhin? At saka bakit mukhang umiiyak ka yata? May problema ba, Justin? What happened?" Naguguluhan nitong mga tanong habang abala pa rin kami sa paglalakad nang mabilis. Tumigil kami sa harapan ng elevator. Sini

