“So, tell me about yourself, Justin. Are you single? How old are you? Do you have any hobbies?” tuloy-tuloy na tanong ni Gunther habang taimtim na nakatingin sa akin sabay higop sa hawak nitong wine. “Hoy, Mr. Gunther Blackford! Anong akala mo rito, date? Umayos ka nga!” Napatawa naman ako sa hirit ni Rose na s’ya na namang sumagot para sa akin. “What? I’m just trying to be friends!” Pagtatanggol naman ng lalaki sa sarili. “Easy, Gun. Kagagaling lang sa heartbreak nitong kaibigan namin. I think he doesn’t have any interest muna sa mga ganyan. Let the poor guy heal in peace.” Singit ni Julian. Napayuko naman ako dahil sa hiya. Hindi mo na kailangan pang ipangalandakan, Julian. “Oh, ganun ba? Th-that’s sad…” Biglang nawala ang mga ngiti ni Gunther. “Ayos naman na ako, Gunther. There’s

