"Sigurado ka bang ayos ka na talaga?" Banggit ni Rose sabay hagod nito sa aking likod. Tumango at ngumiti na lamang ako bilang tugon. Ang totoo ay namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa walang tigil at magdamagan na pag-iyak mula pa kahapon. Kanina nga sa airport ay pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sobrang pula at namumugto rin ang aking mata. Mabuti na lamang at pinahiram ako ni Julian ng kanyang shades na kasalukuyan kong suot ngayon. Lulan kami ng eroplano pabalik ng Maynila. Tinulungan ako nina Rose at Julian sa aking pagtakas mula sa Palawan. Sila ang aking naging takbuhan sa oras ng matinding pangangailangan. Sa awa ng diyos ay binigyan ako nito ng mga bagong tunay na kaibigan na walang takot na nilahad ang kanilang mga palad para sa akin. Matapos kasi ang matinding kompront

