JUSTIN DAPIT-HAPON na nang makabalik ako sa suites. Napatagal kasi ang aming kwentuhan nina Rose at Julian. Napakadaldal pala ng dalawang iyon. Halos hindi kami naubusan ng pagkukuwentuhan. Tungkol sa pagtungtong ko ng kolehiyo, hanggang sa istorya ng pag-iibigan nilang dalawa. Mas lalong gumaan at naging komportable ang aking pakikitungo sa mga ito. Noong una ay medyo nagkakahiyaan pa kami, ngunit ngayon ay pakiramdam ko ay nakahanap ako ng mga bagong kaibigan. Nalusaw na ang namuong tensyon sa pagitan namin ni Rose dahil nga sa pamba-basted ko rito noon. At nawala na rin ang hiya namin sa isa’t-isa ni Julian. Napag-alaman kong nasa States pala si Julian noong una kaming nagbakasyon dito ni Papa ilang buwan na ang nakalilipas. Ito raw kasi ang namamahala sa mansyon ni Mr. Suarez sa nat

