
Keren Ajero, the girl who experienced bullying because of her physical appearance finds a home in the arms of the famous college failure of their University, Axstrix Inferno.
**
Para sa dalagang si Keren, lubos na masakit ang malait ng ibang tao patungkol sa kaniyang pisikal na kaanyuan. Ngunit wala siyang magawa kung 'di tanggapin na lamang ang mga ito at magpatuloy sa hamon ng buhay. Ang magpatuloy para sa kaniyang mga pangarap. Hanggang sa isang araw, nagulat na lamang siya sa pagsulpot ng isang Axstrix. Ang taong ni sa panaginip ay 'di niya akalaing makakasama niya.
