"Sandali Kelvin, si Chester ba iyon?" tanong ni Annie sabay turo sa lalaking palabas ng isang bar akay ng isang babae. Mukhang lasing pa dahil hindi na maayos ang paglalakad. "I think so..." sagot naman ni Kelvin. "Dali, sundan mo," sabi niya nang papaalis na ang taxi na sinakyan ng mga ito. "Lagot sa akin ang Chester cheater na ito!" gigil na saad niya habang hindi inihihiwalay ang mga mata sa sinasakyan ng mga ito. "Are you serious? Susundan talaga natin?" seryosong tanong ni Kelvin at luminga sa kinaroroonan niya. "Oo, dali!" Mas lalong nanggalaiti sa galit si Annie nang mapagtantong sa isang hotel pupunta si Chester at ang kasama. "Salamat, Kelvin. Mauna ka ng umuwi," sabi niyang agad na lumabas mula sa sasakyan nito. Ngunit lumabas rin ito at pinigilan siya. "Annie... hay

