Naitukod niya ang mga palad sa may mesa at napatitig sa screen na ngayon ay kulay itim na dahil namatay na iyon. Hindi maproseso sa kanyang utak ang nakita. Kung tama ba ang nakita. "Pa?" Napalingon siya sa anak na nagtataka. Pinilit niyang ngumiti dito kahit tila kay hirap. Mahirap itago ang gulat niya at ang tila umusbong na galit. Hindi lang sa lalaking iyon kundi pati na rin kay Annie na hindi lang ipinagkait ang pagiging ama niya, hinayaan pa nitong maging ama ang ibang lalaki kesa sa kanya. "Gusto mo bang umuwi bukas sa mama mo?" biglang tanong niya na lalong ikinalito ng anak. Ngumiti pa siya at pinantayan ang anak. "No school tomorrow. Day off ko. Baka gusto mong spend ang weekends sa mama mo," sabi niyang pilit itong kinukumbinsi. Sana ay kagatin nito ang dahilan niya kuno. Na

