"Papa!" Mabilis na yumakap sa kanya si Lexter nang mapagbuksan siya nito ng pinto sa makailang katok na ginawa niya. Buti na lang din at ito ang nagbukas dahil kung si Annie iyon, malamang ay napagsarhan na siya at napalayas. Gulat na gulat si Annie nang magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi nakagalaw noong hinila siya ni Lexter papunta sa loob. "Bakit ka narito?" tanong nitong may halong galit. "Dito po muna si papa. Nami-miss ko na po siya," singit ni Lexter at ito na ang sumagot sa ina. Tila may kakaibang hangin rin na nababalot sa dalawa. Ramdam iyon ni Chester. "Kailangan umalis..." "No, Ma. Papa will stay," mataas ang boses na sigaw ng anak. Napatda silang pareho ni Annie sa naging asal nito. Hinawakan niya si Lexter at pinantayan. Ngayon niya lamang nakita ang anak na sumago

