Masaya habang nakatunghay si Chester sa kaibigan na si Alex habang ikinasal sa lalaking mahal nito. Alam niya sa sarili na napakawalan na niya ang babae noon pa at ngayon nga ay nagagalak ang puso niya dahil sa wakas, tuluyan na itong liligaya. Ngunit kalakip ng kasiyahan na iyon ay lungkot. Nakatunghay naman siya sa kanyang mag-ina habang nasa tagong lugar. Pinagmamasdan lamang ang mga ito sa malayo. Tuluyan na siyang tumalikod para umalis. Dala ang maleta ay naglakad na siya palayo. Mamaya na ang flight niya papuntang US. Maging si Annie ay masayang masaya sa kaibigan. Isa siya sa tumulong kay Rick upang isagawa ang plano nitong surprise wedding kay Alex dahil sa takot nitong umalis na muli at hindi na bumalik ang kaibigan. Ngunit sa likod ng mga ngiti niya sa mga labi at sa mga bir

