"Dada!" Agad na tumakbo si Lexter para salubungin si Kelvin na ngayon ay sumusundo sa kanila. Yumakap ang ang kanyang anak na tila ba sabik na sabik sa isang ama. Ngunit alam niyang iba pa rin naman si Chester kesa kay Kelvin. "Oh, I miss you buddy!" bulalas ni Kelvin na mahigpit ring niyakap si Lexter. "Tumangkad ka ba?" pansin ni Kelvin sa anak. Mayabang naman na tumayo nang tuwid si Lexter at ipinagmamayabang nga ang inilaki nito. Hindi lang sa tangkad kundi pati sa pangangatawan. Mas lalong naging mama ito at hindi halatang sampong taon lamang. Bumaling sa kanya si Kelvin pagkatapos. "Ready?" tanong nito nang magkatinginan sila. Tumango siya bago lumapit dito. "Bakit kami ang sinundo mo? How about your fiancee?" Hindi niya maiwasang tanong habang pinagbubuksan siya nito ng pinto.

