Napasabunot sa kanyang buhok si Chester. Buti at napigilan niya ang sarili at hindi pumatol kay Annie. Sa sitwasyon niya ngayon hindi niya alam kung tama ba ang na magkasama sila ngayon kahit na may anak silang dalawa. "s**t!" mura niya nang sumigid ang p*******t ng kanyang ulo. Unti-unti na kasi siyang nakakaalala. Naalala niya si Annie at ang minahal niyang si Alex. "Alex..." sambit niya sa pangalan ng babae. Naalala niya ang mga ito. Tila tubig sa batis ang alaalang dumaloy sa kanyang isipan nang makita niya ang isang litrato sa bahay ni Annie. Alaala ng nakaraan. Siya at ang dalawang babae. Si Alex at ang pagmamahal na meron siya sa babae. "Ah!" Napaigik siya sa sakit. Kung biglaan ang pagkawala ng kanyang alaala, biglaan din ang pagkaalala niya sa nakaraan nila. Si Alex habang um

