Ayaw sanang ipahalata ni Annie ang pagkamangha sa laki at ganda ng mansiyon ng mga Lee ngunit naging ebidensiya pa rin sa kanyang mukha ang pagningning ng kanyang mga mata at paglibot ng mga mata niya sa kabahayan. "Welcome to my humble home," bati at salubong ng Don sa kanya. Siya dahil nilapitan siya nito at niyakap. Siya lang naman ang bagong salta sa pamamahay nito. Nabato pa siya at hindi nagawang yakapin ito pabalik dahil sa gulat. Ipinagkibit balikat lamang naman iyon ng matanda bago bumaling sa apo nito. "Take her to your room, Chester. Magpahinga muna kayo. Dinner will be served probably thirty minutes from now. Ipapatawag ko na lamang kayo," utos nito. Nataranta si Annie nang walang pag-alinlangan na sundin na naman ni Chester ang lolo nito. Inutos nito sa tauhang kasama an

