Sa opisina ni Don Escobar, kumatok ang ama ni Chester na si Eugenio. Mabilis itong pumasok sa loob kahit paika-ika. Medyo maayos na ito ngayon at nakakapagtrabaho na. Natutulungan na nito ang anak na patakbuhin ang natitirang negosyo. Naka-survive sila dahil sa tulong ng ama. "Pa, anong binabalak mo? Sigurado ba kayo sa desisyon ninyong magsama ang dalawa?"tanong nito nang nasa harap na ng mesa ng ama. Hindi na nag-abalang maupo pa. Umangat ang tingin ng don sa anak. "Do I look stupid to you, Eugenio?" Napatayo ang don. Naglakad papunta sa may bintana at tumanaw sa labas. "Pinoprotektahan ko lang ang nag-iisang apo ko na tunay," ika nito. May ibang apo ito ngunit mga apo na sa ampon at kinakapatid ni Eugenio. Kunot noong napalapit si Eugenio sa ama. "Anong ibig ninyong sabihin?" "Hindi

