"Annie, are you okay?" Daliring pumitik sa kanyang harapan ang nakapagpabalik sa huwisyo ni Annie. Nakatulala na pala siya sa harap nina Kelvin at Pauline. "Ha? I'm sorry? Nasaan na tayo ulit?" Ngumiti nang tipid si Pauline samantalang mas lalong kumunot ang noo ni Kelvin sa kanya. "May problema ba? You can share it to me," ani Kelvin na nag-aalala. Okay sana ngunit nakalimutan na naman nito na kasama ang mapapangasawa. Buti na lamang talaga at hindi mukhang selosa si Pauline kaoag umaaktong ganoon ito sa kanya. "Wala naman, okay lang ako." Kaila niya. Bumaling na lang sa soon to be bride ng lalaki. "Pau, want to try the fitting? Sasamahan ka ng isa sa tauhan ko," ika niyang sinenyasan ang kasamahan sa shop. "Sasha, pakisamahan si Pau sa dressing room." Tumalima ang mga ito. Tumayo r

