Hindi pa rin makapaniwala si Chester sa nakikita sa screen. "Nagbalat kayong matanda si Gelly. She's a great actress. Nagawa niyang mapaniwala ang lahat," paliwanag ni General Carillo sa katanungan na hindi niya mabigkas. "Heto ang tunay na siya," sabi nito. Muling may litrato na pinakita. It was Gelly in her prison uniform. Nakalugay ang buhok na dati ay laging nakapusod. Wala na ang salamin sa mga mata nito na siyang nagpamukhang matanda dito. Wala na ring kulubit kunwari sa mukha nito. Ibang iba na ang itsura. "Talagang noon pa, ikaw na ang target niya at ng kunh sino man na kakampi niya Chester," dagdag ni General Carillo. Tila bombang sumabog iyon sa harapan niya. Pilit man niyang tagpi-tagpiin ang mga pangyayari ay nahihirapan siya. Mas lalong sumakit ang kanyang ulo. Ano ang puw

