Tulog na ang binabantayan niyang bata kaya malaya na si Aling Gelly at nakahinga na nang maluwag. Mahirap magpanggap na walang alam sa bata lalo na at napakadami nitong katanungan. Minsan ay gusto na lamang niya itong busalan sa bibig para tumahimik na. Ngunit hindi niya maaring gawin iyon. Kabilin-bilinan sa kanya na ni katiting na galos ay hindi puwedeng makitaan ang bata. Hindi niya puwede saktan. Pumunta siya sa sala. Tiningala ang tokador. Kumuha siya ng silya para muling abutin ang telepono sa itaas ng niyon. Nang makuha ang telepono ay muli niyang pinindot iyon upang buhayin. Napatitig siya roon. Hindi niya nahanap ang diary ni Mara at Clara para sa among si Chester ngunit ang teleponong hawak niya ay ang mas mahalagang diary. Naroon ang mga contacts niya at usapan nila ng taong n

