Mula sa pagkakayakap ay humiwalay si Chester sa kanya. Magkahugpong ang kanilang mga titig na dalawa. Walang bumibitiw, walang gumagalaw. Nakatitig lamang sa isa't isa. Gumalaw ang lalamunan ni Chester nang magawi ang mga mata nito sa kanyang mga labi. Nakagat pa niya iyon dahil sa paraan ng pagkakatitig nito. Nang muli itong tumitig sa kanya, hindi maitago ang biglang pagkabuhay sa mga mata nito. There's hope, kudlit ng kasiyahan ngunit nangingibabaw ang pagnanasa. Maging siya ay tila pinag-initan ng katawan. Hindi nila dapat naiisip iyon ngunit, ang mga puso nila at kaluluwa ay tila gustong sumabog. Gustong iparamdam ang pagmamahal at kapatawaran sa pamamagitan ng isang bagay. Hindi na tumutol si Annie nang bumaba ang mukha ni Chester sa kanyang mukha at halikan siya. Banayad ang hali

