"Annie..." "Si Lexter? Nasaan ang anak ko?" Mahina ngunit puno ng diin na tanong nito sa kanya. Ang mga mata ay tutok na tutok sa gawi niya. Mula sa kinatatayuan ay mabilis na nilapitan ni Chester si Annie. Agad niya itong niyakap. Nagpumiglas naman ito mula sa pagkakakulong sa mga bisig niya. "N-nasaan ang anak ko Chester? Akala ko ay poprotektahan mo siya?" sumbat nitong umiiyak. Nagpupumiglas pa rin. "Bakit mo hinahayaan mawala ang anak ko!" "I'm sorry...I'm sorry," tanging nasambit ni Chester habang hindi pinapakawalan ang babae. Kahit sinusuntok na siya nito at nakakalmot sa ginagawang pagpupumiglas ay okay lang. Mas gugustihin niyang saktan siya nito. Punong-puno nang hinagpis ang mga palahaw ni Annie. Siya man ay hindi na kinaya at ang pilit na pagpapakatatag at hindi pagpapak

