"Chester!" "Papa." Salubong sa kanya ng anak at kanyang lolo. Hindi niya maiwasang umiwas ng tingin sa matanda. Ngayong halos bumalik na ang alaala niya, tila lumayo ulit ang loob niya rito. But seeing him with his son, minsan ay naiisip niyang nagbago na ito. Nagbago para sa kapakanan niya. Pero hindi pa rin niya maisasantabi ang agam-agam sa biglang pagtulong nito sa kanila. Bumaba siya para pantayan ang anak. Naluluha si Lexter habang nakatitig ito sa kanya. "Nasaan si Mama, Pa?" "We will find her..." Hindi niya gustong magsinungaling kung ano talaga ang sitwasyon. Bumaling siya sa kanyang lolo. "Lo, hiramin ko muna ang ilan sa mga tauhan mo. Hahanapin namin si Annie," ika niya rito. Tinapik siya nito sa balikat. "Gawin mo ang nararapat mong gawin, Chester," ika nitong pumis

