Chapter 77

1232 Words

Muli siyang pumanhik sa itaas. Alas tres na ng madaling araw at halos wala pa siyang tulog. Imbes na tunguhin ang sariling silid ay nakita na lamang niya ang sariling papasok na sa kuwarto ng anak. Napanguso siya nang makita si Annie na nakahiga na katabi ang anak na mahimbing na natutulog. Lumapit siya sa side ni Annie. Tinitigan niya ito hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sariling haplusin ang mukha nito. Dahil doon ay naalimpungatan ang babae. "Hmmm..." nagmulat ito ng mga mata. Kumurap-kurap pa. "Tapos na kayong mag-usap?" Mahinang tanong nito. Napakusot pa sa mga mata dahil halatang pinilit lang na gumising at antok na antok pa. Tumango siya rito. "T'saka na natin pag-usapan. Matulog na tayo," ika niya. "Hmmm...Sige. matulog ka na..." sabi nito. Ngumuso siya. Umayos ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD