Maayos na ang lagay ni Lexter. Ipinagpapasalamat nila Chester at Annie dahil walang malalang pinsala na natamo ang kanilang anak. Galos at sprain ankle lamang at sa ilang linggo lang ay magiging maayos na ito. Inayos na rin nila ang pag-uwi nila sa Maynila. Doon ay alam nilang mas maaasikaso at mas ligtas ito. "Hayaan muna natin siyang makapagpahinga,"sabi ni Chester habang palabas sila ng kuwarto ni Lexter. "Do you want something?"tanong nito na hinaplos ang kanyang braso. Nagtaasan ang kanyang mga balahibo roon. "Karne yata ang gusto ko." Biglang pumasok iyon sa isip niya. Marahas niyang ipinilig ang ulo sa isiping iyon. Hindi porke't ayos na at nakita na nila ang kanilang anak ay oras na para lumandi. Hindi pa nahuhuli ang master mind na gumawa ng lahat ng iyon at nanghimasok sa mati

