Napatitig si Annie kay Chester. Nabitiwan naman nito ang facecloth at namamanghang napalingon kay aling Binyang. "What? Sinong naglilihi?" Manghang tanong nito. Magsasalita sana si Aling Binyang para sagutin si Chester nang malakas na natawa ang don. Tuwang-tuwa na makita silang nagkakagulo dahil sa kalagayan ni Chester. Lumapit ito sa apo at umakbay dito. "Binyang, huwag mong takutin ang dalawa. Sa panahon ngayon, naniniwala ka pa rin ba sa mga pamahiin na ganyan?" Nanahimik bigla ang mga kasambahay at hindi nakasagot si Aling Binyang sa Don. "Ano bang sabi ng doctor Chester?" baling nito kay Chester na nakatitig pa rin sa kanya "Apo?" "Lo?" Humarap si Chester sa kanyang lolo. "Acid reflux daw, Lo. Baka sa kinain namin sa meeting kahapon..." paliwananag nito. Napatango-tango ang mat

