"Ma?" "Puntahan ko lang ang dada mo. Mauna ka ng umuwi." Binalingan niya si Roxanne na ayaw pa sanang pumayag na iwanan siya. "Iuwi mo na si Lexter, Roxanne. Tatawag na lang ako mamaya." "Miss Annie..." "Sige na." Bumaling naman siya sa anak. "Love you. Alagaan mo muna papa mo at may sakit..." "Sasamahan na lang kita, Ma." Umiling siya at hindi pumayag. Lalong mag-aalala ang mga kasama nila sa bahay kapag dalawa silang hindi agad umuwi ni Lexter. "Ako na bahala sa dada mo okay? Uwi na kay Papa. Siguradong mawawala ang sakit nito kapag nakita ka." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan na dala ni Roxanne. Bahagya pang itinulak doon si Lexter para makaalis na nga ang mga ito. Ayaw talagang pumayag ni Roxanne. Nang makasakay ang anak ay mabilis na rin siyang nagtungo sa kanyang sasakyan.

