Panaginip... Sana panaginip lamang niya ang nangyari. Sana isa lang sa mga bangungot niya na bumabalik-balik. Sana lang talaga. Ayaw na niyang balikan ang kamuntikan niyang pagkakagahasa. Ayaw na niyang balikan pa ang takot niya na muntikang mapahamak dahil sa mga lalaking bigla na lang kumuha sa kanya. Nangholdap at binalak na pinagsamantalahan siya. Pinapabulaanan niya sa sarili na tama pala siya noon. Tama siyang pagdudahan si Kelvin. "Boss, saan natin dadalhin?" Ngunit hindi. Hindi panaginip iyon nang marinig ang boses ng lalaking nagmamaneho sa sasakyan. Umukit na sa sistema niya iyon maging ang boses ng mga kasamahan nito sampong taon na ang nakalilipas. Sa loob niya, buti na lang at hindi niya sinama si Roxanne at ang kanyang anak. Kung hindi, pareho niyang ipinahamak ang mga

