Hindi naging madali ang lahat. Sa lahat ng pinagdaanan nila, ang pagkamatay ni Kelvin ang pinakamalaking dagok na nangyari sa kanila. "Kel...vin," usal ni Annie at halos mabuwal na kung hindi lamang maagap si Chester. Nahawakan niya at naalalayan si Annie bago man too bumagsak. Niyakap niya ito para hindi na makita ang kalunos-lunos na sinapit ng lalaki. Napalunok siya habang inaalo si Annie at nakatitig ang mga mata kay Gelly at Kelvin. Ginusto niyang mamatay ito. Ginusto niyang tadhana ang maningil para sa kanila. Heto na nga sa harapan niya, ngunit ngayon ay tila nahihirapan siyang makita ang duguang lalaki. Binabawi ang naging hiling dahil sa galit. "Annie...wala kang kasalanan...wala," alo niya sa nanginginig na babae. Nangyari talaga ang mga pangyayari. Hindi nila hawak ang kapala

