Nag-iisa habang nakatanaw si Kelvin sa may bintana. Anim na taong gulang siya at iniwan ng kanyang ina roon. Galit siya sa kanyang ina. Galit rin siya sa mundo dahil iniwan siyang mag-isa. Galit siya sa lahat dahil tila masaya pa ang mga ito sa kanyang pag-iisa. Iyon ang pakiramdam niya. May mga nag-aayang makipaglaro sa kanya. May mga namamahala ng bahay ampunan na kinakausap siya, ngunit sinara niya ang kanyang pinto sa mga ito. Wala siyang pinapapasok sa kanyang mundo. Dahil alam niyang temporaryo lamang ang mga iyon. Iiwan rin siya ng mga ito. Nagbago lamang ang lahat nang makita niya ang isang bata na mas matanda siguro sa kanya ng tatlong taon. Nakikita niya itong umiiyak sa palaruan. Kahit umuulan ay naroon ito, naghihintay ng kung sinoman. Ilang araw din niyang pinagmamasdan ito

