"Homeschool?" Napalakas ang boses ni Annie nang sabihin sa kanya ni Chester ang plano para sa anak. Hindi na raw muna ito papasok sa eskuwelahan at homeschooling muna ito. "Bakit?" tanong niya kay Chester na ngayon ay kasama niya sa kotse. Ihahatid siya nito sa trabaho. "For his safety, Annie. Hindi pa nahuhuli ang mga taong may kagagawan nito sa akin..." Nanlaki ang mga mata ni Annie. Oo nga pala, noon pa man kahit hindi pa nawawala ang alaala nito, may nagtatangka na sa buhay ni Chester. "He will be safer if he stays home," ani nito. Ayaw na niyang makipagdiskusyon pa kaya tumahimik na si Annie. Wala rin naman siyang magagawa kung kaligtasan naman ng anak ang nakasasalay. Ngunit hindi niya yata makakaya na maging siya ay sinusundan ng mga tauhan ng mga Lee. May mga nakabuntot kasin

