Chapter 63

1891 Words

Maagang gumayak si Annie kahit walang halos tulog. Hindi niya kayang ipahinga ang sariling katawan at utak dahil sa pag-aalala sa anak. Kung maaari ay mapuntahan na nila ito agad-agad. "Wait for me, babalik rin ako kaagad," bilin iyon kanina ni Kelvin bago siya iwan. Sasaglit raw muna sa opisina bago siya balikan upang samahan sa mismong office building ni Chester. Sinamahan siya ng lalaki sa magdamag na iyon at hindi iniwan. Laking pasasalamat niya dahil naroon ito sa tabi niya. Sa kanyang paggayak, narinig niya ang sunod-sunod na mga katok sa pinto. Agad niya iyong binuksan sa pag-aakalang bumalik agad si Kelvin. Ngunit nagulat na lamang siya nang may nakaunipormeng itim katulad kahapon ang bumungad sa kanya. "Gusto po kayong makausap ng Don," sabi ng isang babaeng nakilala niya na k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD