Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Raden sa bahay namin. Agad siyang umalis at nagpaalam na lamang kay Mama na nasa ibaba ngayon.
"Ma, nabalitaan mo na po ba na nandito na sa Pampanga si Cai?" Pagsisimula ko naman kay Mama.
"Ah, oo anak kanina ko alng nalaman ng mabasa ang text ng Mama niya." Sagot naman ni Mama.
"Mukhang naka-usap mo na rin s'ya kaya balak ko rin silang bisitahin."
Pagkapasok kami sa gate ng bahay nila Caius ay agad kaming sinalubong ng mama niya upang yakapin.
"Eulia!" Masayang sambit ni Tita Canna kay Mama habang niyayakap niya ito. Pagkakalas niya ng yakap ay ako naman ang sunod.
"Hello po, Tita Canna" Sabi ko kay Tita pagkatapos niya kaming yakapin.
"Eulalie! Ang laki mona hija!"
"Ilang taon na rin po kasi ang lumipas eh" sabi ko at ngumiti.
"Oo nga eh. Ang liit mo pa lang noong last kitang nakita." Sabi ni Tita.
Natawa naman si Mama.
Pagkatapos non ay napansin ko ang isang lalaki sa likuran ni Tita Canna na pumunta kay Mama para mag mano.
"Caius!" Sabik na sabi ko. Mukhang kanina pa yata s'ya doon.
"Eulalie," Sambit naman ni Caius, ngumiti s'ya at kumaway sa akin.
Naglakad ako patungo sakan'ya at niyakap s'ya ng mahigpit.
"Nagbago ka na ah!"
"Ikaw naman, mukha lang ang nagbago sa'kin" Sabi niya, tumawa siya ng marahan at ginulo ang buhok ko.
Sumimangot ako sakan'ya ng guluhin niya ang buhok ko.
"Oo nga, hanggang ngayon mahilig ka pa rin manggulo ng buhok." Sabi ko.
Humalakhak naman siya at maya-maya ay nagsalita na si Tita Canna.
"O'siya, tara na sa loob." Sabi niya at naglakad papasok sa bahay nila. Sumumod naman kami ni Cai sa likuran nila Mama habang nagkukuwentuhan.
"So, how's school?" Tanong ni Caius.
"Okay lang, ganon pa rin paulit-ulit ang routine," Sagot ko naman.
"Magkasama pa rin ba kayo ni Mireille?"
"Ah, oo syempre. Lagi kong kasama 'yun," I said.
He smiled and we continued to talk hanggang sa sala nila.
"Caius, pumunta ka muna sa kusina at bigyan mo sila ng miryenda," Utos naman ni Tita kay Cai.
"Tulungan ko na po s'ya, Tita." Tumayo naman ako sa sofa, iniwan ko sila Mama at Tita na nagkukuwentuhan sa living room at sumunod kay Caius papuntang kusina.
"Ano palang ganap mo in life sa US?" Curious na tanong ko sakan'ya.
"Well... I've been pretty busy. I'm taking up engineering and it's quite demanding. Pero okay naman, marami akong natutunan. Ikaw, kamusta naman dito?" sagot niya habang naghahanda ng miryenda.
"Busy rin sa school, pero nakakaraos naman," sabi ko.
Nagpatuloy kaming mag-usap habang naghahanda ng miryenda, at naramdaman ko na parang hindi kami nagkahiwalay ng matagal.
"Na-miss ko 'to, yung ganitong mga simpleng usapan," sabi niya habang iniaabot sa akin ang isang plato ng biskwit.
"Oo nga, parang dati lang, walang masyadong iniintindi," sagot ko.
"Pero ngayon, kailangan nang seryosohin ang mga bagay-bagay," sabi ni Caius, ngumiti siya ng bahagya.
"Oo, pero okay lang din, part ng buhay," sabi ko, sabay ngiti rin.
Pagkatapos naming maghanda ng miryenda, binalik namin ito sa sala at sumali muli kina Mama at Tita Canna.