In The Morning
I drank my coffee habang naka-upo sa living room. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table malapit sa couch. I opened the messages pero wala paring chat si Lucas.
What happened to him?
After that i scrolled into social media until i saw something that made me stunned.
Breaking News Report
Tragic Car Accident Claims Two Lives
In a devastating turn of events, a fatal car accident has claimed the lives of two individuals near a riverbank outside of town. Authorities were alerted late last night when emergency services responded to reports of a collision involving two vehicles.
Upon arrival, emergency responders discovered the wreckage of two cars, mangled and scattered across the road. Among the debris, they found the lifeless bodies of Lormaine Diaz(23 years old) and Lucas Diaz(17 years old), both pronounced dead at the scene.
The community is urged to extend their support and condolences to the families and friends of Lormaine and Lucas during this difficult time of mourning.
Naihulog ko sa sahig ang cellphone dahil sa pagkagulat. I was breathing heavily and tried to calm myself bago ko dinampot ang phone sa lapag.
"No, this can't be true," I whispered.
I called Mireille on my phone using my trembling hands.
"Mireille, did you see the news?" My voice trembled.
There was a pause before she responded, her voice heavy with concern. "I did, Nyx. I'm so sorry."
"Natatakot ako na baka...may kinalaman ang sumusunod sa'kin noong kasama ko si Lucas."
"Do you think... do you think it's connected to anything we talked about? Raden... or anything strange?" Sabi ni Mireille.
"Huwag mo ngang pagbintangan si Raden." Sabi ko, pero halatang nanginginig ang boses ko.
-
Few Days Later
Pupunta ako ngayon sa bahay ni Raden dahil nalaman kong nagkaroon siya ng lagnat. Ang sabi niya ay wala daw ang kaniyang mga magulang sa bahay kaya ako na muna ang tutulong sakaniya.
I opened my phone para i-chat si Mireille.
Me: Mireille, pwede bang samahan mo ako? Kung okay lang sa'yo.
Mireille: Samahan saan?
Me: Sa bahay ni Raden. May lagnat siya at wala siyang kasama sa bahay.
Mireille: Eh kalalaking tao nyan at mas matanda pa sa atin ng isang taon
Me: Tutulungan ko lang naman eh. Gusto mo bang sumama?
Mireille: Oo, baka mapano ka pa kapag mag-isa ka lang.
Mireille: Wait mag-aayos lang ako. Pupuntahan na lang kita sainyo.
Me: Okay hihintayin kita.
Nagsuot ako ng cream sweater at pastel blue pants at isinuot ko ang aking white sandals. Bumaba ako at nagpaalam kay Mama na pupuntahan ko lamang si Raden dahil may lagnat siya.
Naglakad ako papuntang pintuan ng matanaw ko na si Mireille.
Nakasuot s'ya ng plain black shirt at maroon pants. Nagmano s'ya kay Mama ng makita niya ito.
"Oh sige anak. Mag-iingat ka. Pati ikaw Mireille hija."
"Opo Tita," Saad naman niya.
-
Pagkarating namin sa bahay ni Raden ay masyadong tahimik na para bang walang nakatira dito.
Nauna na akong pumasok at naglakad sa staircase para umakyat patungong second floor. Nag e-echo sa paligid ang mga yapak namin dahil sa katahimikan. Habang naglalakad ay nakasunod sa akin si Mireille habang inoobserbahan ang paligid. Patungo kami sa pangatlong pinto dahil iyon ang sinabi ni Raden sa akin.
"Ang creepy naman dito, Nyx." Rinig kong sabi ni Mireille.
"Parang hindi naman. Ang ganda nga eh malaki rin ang bahay nila."
"Ngunit Masyadong tahimik." Sabi niya.
"Hayaan na nga lang na'tin,"
Pagkarating na'min sa pangatlong pinto ay kumatok ako ng ilang beses bago buksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakasandal sa frame ng higaan so Raden habang nakapikit at nakakunot ang noo.
"Raden, eto na yung gamot sa lagnat mo." Pagsisimula ko at nakita kong iminulat niya ang mata niya at tumitig sa'kin.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
He shook his head and i sighed.
"Masakit pa ba ang ulo mo? Ihahatid ko nalang yung pagkain dito." Sabi ko ngunit umiling siya.
"Sasamahan nalang kita sa baba." Sabi niya.
Lumingon ako sa likuran ko at napansin kong tahimik si Mireille.
"Reille, gusto mo bang sumama or mag stay ka muna rito?"
"Let her stay here. Babalik pa naman tayo." Rinig kong sabi ni Raden.
Napatango na lamang ako at sinamahan si Raden pababa ng first floor.