Mireille's Pov
Naiwan akong mag-isa sa bedroom kaya inilibot ko ang aking paningin at inoobserbahan ang mga bagay. Naglakad ako ng dahan-dahan while tracing the things using my fingertips.
These things are all plain.
Maya-maya ay napunta ako sa bookshelf niya na puno ng iba-ibang libro. I scanned all of them ng may librong nakakuha ng atensyon ko.
Halos mga dark color ang mga cover ng libro at isa lang ang kulay puti.
Kinuha ko ito at tinignan ang title ng makapal na libro.
"Embers of New Light" I whispered.
May emerald na larawan sa harapan ng libro at inopen ko iyon ngunit wala namang importanteng nakasulat roon.
Ibabalik ko na sana ang libro sa lagayan ngunit may napansin akong isang bilog na bagay.
Isang red button.
Bakit may red button rito sa bookshelf?
Tinry kong tanggalin pero mukhang naka-attach siya mismo sa bookshelf. Tinignan ko muli ang pinto na nakasara na baka sakaling bigla silang pumasok.
Ng makasigurado na wala pa sila ay pinindot ko ng dahan-dahan ang red button at napaatras ako ng gumalaw iyon. The bookshelf opened and it revealed a black door.
Don't tell me may secret room ang lalaking iyon?
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon.
Hindi naka lock ang pinto kaya nabuksan ko.
Pagkabukas ko ay madilim na kwarto ang bumungad sa akin. Hinanap ko ang switch upang makita kung anong meron dito sa kwarto na ito.
Pagka turn on ng ilaw, i gasped to what i saw.
Puno ng larawan ni Nyx ang kwarto. May mga nakadikit sa dingding at kisame kung saan ay mukhang matagal na ang mga larawan. Napansin ko din na may mga nagkalat
Sa sahig na mga pictures niya na bago. Mayroon noong naglalakad siya sa hallway ng school, nakangiti sa amin ng mga classmates ko at meron din kung saan natutulog siya sa kwarto niya.
P*ta
Kailangang malaman ni Nyx itong mga kaga*guhan ng lalaking iyon ngunit hindi ko pwedeng sabihin ngayon.