Eulalie Nyx's Pov
Habang nag-aayos ng makakain ni Raden ay nararamdan ko na nakatitig siya sa akin.
Pagkatapos kong maghain ng pagkain niya ay umupo ako sa upuan upang panoorin siya.
"Paano ako makakakain kung nakatitig ka, Eulalie?" Sabi ni Raden sa mababang boses.
"Papanoorin lang naman kita eh." Sabi ko naman habang nakangiti.
"Subuan mo nalang kaya ako?" Suhestiyon ni Raden.
"Pero malaki ka na-"
"Kahit ngayon lang, please?"
I sighed softly and nodded, giving up on his pleas.
"Fine. Ngayon lang."
He smiled and nodded. Sinubuan ko siya gamit ang kutsara. Titig na titig pa rin kahit na ngumunguya kaya nailang ako ng bahagya.
"Tapos na," Sabi ko ng maubos niya ang pagkain sa plato.
Napakurap siya na para bang ngayon lang niya na realize na tapos na.
"After 15 minutes inumin mo ulit ang gamot mo."
-
"Thanks Eulalie," Raden said.
"You're welcome, Raden."
Yinakap niya ako at tinapikan ko na lamang ang kaniyang likod. Maya-maya ay hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin ng sinubukan kong makawala. I only chuckled softly.
"See you." He whispered beside my ear.
Pagkabalik na'min ni Mireille sa bahay ko ay napansin kong malalim ang iniisip niya at kanina pa siya tahimik.
"May problema ka ba?" Tanong ko sakaniya ng mapansin na kanina pa siya nagkaka ganoon.
Umiling naman siya at ngumiti ng bahagya.
"Wala yon."