Habang nasa science garden kami ng school ay napansin ko si Mireille na para bang may bumabagabag sakaniya at hindi siya mapakali. Napapansin ko rin na lagi niyang kinakagat ang kaniyang mga kuko habang nag-iisip ng malalim.
Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.
"Nyx, may sasabihin akong importante." She said at kumunot ang kilay ko.
"Ano naman yon?" I asked.
"Wag na wag mong sasabihin ito kay Raden kapag nalaman mo."
"Oh alright so ano yon at mukhang importante?"
Huminga siya ng malalim at tumingin muna sa paligid bago magsalita.
"May secret room si Raden,"
"Secret room?"
"Yes totoo ang sinasabi ko." Napatingin ako sakaniya at mukhang seryoso nga siya sa kaniyang sinasabi.
"Anong mayroon sa secret room ni Raden at paano mo nalaman?"
"Noong nakaraang linggo habang hinihintay ko kayo ni Raden sa kwarto niya. May nakita akong kakaiba sa bookshelf niya. There was a red button there at dahil sa kuryosidad ko ay pinindot ko, hindi ko expect na iyon ang button ng secret room niya. Kailangan mong malaman ang nasa loob non once na pumunta ka muli sa bahay niya. Kung tititigan mo ang bookshelf ay iisa lang ang librong puti. Kunin mo iyon at makikita mo ang title na "Embers of New Light" sa likod ng librong iyon ay makikita mo ang button. Kapag pinindot mo yon ay mag-o-open ang bookshelf at may black na pinto-" mahabang pahayag ni Mireille habang parang nangangamba ang kaniyang mukha pero naputol ang kaniyang mga sinasabi ng tawagin ako ni Mama.
"Anak halika rito," Rinig kong sabi ni mama sa labas ng kwarto kaya tumayo ako at iniwan muna si Mireille.
Kinagabihan ay iniisip ko ang mga sinabi ni Mireille. Napabuntong hininga ako at yinakap ulit ang stuff toy ngunit may nakapa akong matigas na bagay sa malambot na stuff toy. Kinapa ko ito ulit at hinanap ang zipper ng stuff toy para buksan ang loob. Nang mabuksan ko ay nagulat ako at nanginig sa takot nang buksan ko ang stuff toy ko at nakitang may hidden camera iyon.
Agad kong itinapon yon sa sahig at huminga ng malalim sa takot bago tumingin sa aking paligid.
Pakiramdam ko'y may nagmamasid sa akin.
Kinuha ko ang aking cellphone at dali-daling tinawagan si Mireille.
"Mireille, pwede bang pumunta ka muna sa bahay ko? May nakita kasi akong creepy na bagay sa stuff toy ko," sabi ko habang pinipilit panatilihin ang aking boses na kalmado.
"Ano? Anong nakita mo?" tanong ni Mireille, halatang nag-aalala sa kabilang linya.
"May hidden camera sa loob nito. Hindi ko alam kung sino ang naglagay o bakit," sagot ko habang patuloy na ini-scan ang bawat sulok ng kwarto, naghahanap ng kahit anong kakaiba.
"Papunta na ako. Huwag kang aalis diyan," sabi ni Mireille bago pinatay ang phone. Habang hinihintay ko siya, naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso.
Ilang minuto lang ang lumipas pero tila isang oras na ang naramdaman ko bago dumating si Mireille. Agad siyang pumasok, halatang natataranta.
"Nasaan na yung camera?" tanong niya.
Tinuro ko ang stuff toy na nakakalat sa sahig. Dahan-dahan niya itong dinampot at tinignan ang loob.
"Saan ba galing ang stuff toy na 'yan?" Tanong naman ni Mireille.
Napahinto ako ng ma realize ko kung kanino galing ang stuff toy.
"K-kay Raden," Utal na sabi ko.
"Kailan niya ibinigay sa'yo yan?"
"Noong nag arcade kami."
Sabi ko gamit ang mahinang boses.
"Raden...?" Mahinang bulong ni Mireille, tila naguguluhan at nakatingin sa akin ng may halong kaba at pagka-alarma. Naramdaman ko rin ang paglamig ng katawan ko at ang panginginig ng mga kamay ko habang binabalikan ko ang araw na binigay sa akin ni Raden ang stuff toy.
"Oo, noong nag arcade kami. Hindi ko alam na may ganun pala sa loob." Halos pabulong kong sabi habang pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha.
"Nyx, may kailangan kang malaman. Sasabihin ko na kung ano ang nasa loob ng kwarto ni Raden." Sinimulan ni Mireille, ngunit naputol siya sa pinto. Narinig namin ang mahinang katok at boses ni Mama mula sa labas ng kwarto.
"Eulalie, anak, kumain ka na ba?" Tinanong ni Mama mula sa labas, nagdadala ng kakaibang kalmado sa alingawngaw ng takot sa kwarto.
"Sandali lang po, Ma," sagot ko, pilit na pinipilit itago ang tensyon sa boses ko. Huminga ako ng malalim, pilit na bumalik sa katinuan.
Pagkaalis ni Mama, bumalik ang mga mata ko kay Mireille. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Ano 'yun? Ano ang kailangan kong malaman?" tanong ko.Bago pa siya makasagot, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Mireille. Nagulat kami pareho at halos malaglag ito mula sa bulsa niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag, nakakunot ang noo.
"Hello? O, bakit ka napatawag?" tanong niya, at nakita kong agad siyang nagseryoso. Tumalikod siya ng bahagya para bigyan ng privacy ang pag-uusap.
Pagkatapos ng pakikipag-usap niya sa phone ay lumingon siya sa akin.
"Sorry, Nyx. May kailangan akong puntahan. May emergency sa amin." Nagmamadaling sabi ni Mireille.
"Okay lang. Puntahan mo na, Reille." Sabi ko sa nag-aalalang boses.
Pagka-alis niya sa bahay na'min ay tulala ako habang kumakain. Hindi ko pa rin magawang iproseso ang ideya na may naglagay ng hidden camera sa stuff toy ko-isang bagay na ibinigay ni Raden, isang taong inakala kong matino.