INIWAN din naman siya ni Dermot na nakatayo lang sa paglalakad nito palapit sa dalawang opisyal. Sinundan niya lang ito ng tingin dahil wala rin naman siyang magagawa habang naroroon. Hindi niya rin naman ito makausap nang matino kahit gustuhin niya pa. Hindi pa man nakatatayo ang binatang prinsipe sa harapan ng dalawang opisyal gumuhit kaagad ang takot sa mukha ng mga ito, nagmadali ang mga ito na iyuko ang mga ulo. Hindi iniangat ng mga ito ang tingin sa pagtitig ng binatang prinsipe. Mahahalata pa ang panginginig ng kamay ng isa na nasa gawing kanan. "Maari na kayong umalis," matigas na sabi ni Dermot. "Alam niyo na ang gagawin niyo sa pagbalik niyo sa tanggapan. Sinabi ko na sa kasamahan niyo. Siguraduhin niyo lang na wala kayong pagsasabihan sa pagpunta niyo rito. Dahil kapag nagawa

