DATE & DELL
"SO, you confessed your feelings to him? Agad-agad?" I rolled my eyes after hearing that from my best friend, "If you didn't shout how profoundly I was in love with him, hindi naman ako dapat aamin."
Halos naiinis ako sa tawa niyang parang ibon na hindi makahinga. God, and her iconic pig laugh!
"I'm sorry! I can't help it—he's on your phone! Malay ko ba kung guni-guni ko lang 'yon?" Hindi ko rin naman nasabi sa kaniya, dahil wala rin ang phone ko. " Is your Mom aware of the fact that you have a crush on Rav?" Umiling naman ako bilang sagot.
"You mentioned you kissed him, right? What happens next?” Umangat ang tingin ko sa dingding at doon inalala ang lahat ng nangyari kanina.
Matapos ko siyang dampian ng halik ay unti-unting bumuklat ang mga mata kong nakapikit. Hindi ko rin alam kung ano ba ang ginawa ko, sadyang iyon na lamang ang kinilos ng isip ko. Saka kung makapagsalita naman agad 'tong si Lucia sa akin na kung bakit kailangan ko umamin agad, ay parang hindi naman siya ang nagsimula kung bakit.
" He stood up but did not look at me.." I felt broken at the same time, para akong naiwan sa ere, kahit na wala namang kami. " You kissed him, and he walked away?" Iyon ang tanong sa akin ni Lucia na ikinatungo ko naman. "I see..." sunod niya naman.
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Hindi naman planado sa isip ko ang umamin at ma-basted ng ganito, kahit pa alam ko naman na hindi naman niya ako magugustuhan. "Gagawin ko na lang kung ano ang sinabi niya sa akin. I can find someone more than him! Maraming lalaki sa mundo, Lucia."
"Tama ka naman d'yan, pero—you can't force your heart to love someone. Sabi nga nila, love is a miracle... you cannot choose, hindi totoo 'yung natutunan mo siyang mahalin. Magkaiba 'yon..." Kung iyon ang paniniwala ng best friend ko, siguro ay baka paniwalaan ko rin.
Maybe Rav is right; I know nothing about love. I am merely a girl with a teenage dumbed heart. Baka makahanap nga ako ng kaedad ko lamang at kaya rin akong mahalin tulad ng gusto ko. "Maybe he's right. Puppy love, ata 'to."
I woke up when I heard my mother's voice downstairs, "Fem! Ano ba ang ginawa mo? Inaway mo ba si Rav?" Iyon agad ang bumungad sa akin. Kumunot naman bigla ang noo ko, dahil sa takot na baka malaman din nila ang ginawa kong paghalik kay Rav.
"He leave?" Luminga-linga ako, mahanap ko lamang siya, pero wala nga akong nakitang Ravemonte Fuego sa bahay namin. Daddy's holding his phone—obviously, talking to his employees. "Anak, naman. Ano ba ang ginawa mo?" Galit niyang tanong sa akin.
Nagkibit-balikat na lamang ako at doon ibinigay ang ekspresyon na kung saan ay malalaman nila na nagsasabi nga ako ng totoo. Hindi lang nila alam na parang may fiesta na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng puso ko. I never lied to my parents, pero kapag sinabi ko sa kanila ngayon ang totoo, kung bakit umalis si Rav dito?
For God sake! They going to kill me!
"Nag-text na lang siya sa amin na aalis na siya. Wala naman siyang sinabi kung bakit." Kumurap-kurap ako sandali at kunyari na shock. Damn you, Fem. You are such a lousy actress! Baka kahit ang Oscar awards ay tablahin ako sa entablado. "Why you're so shocked? Hindi mo rin alam? Did he not tell you that he's leaving?"
I sway my head left and right, telling that Rav did not make paalam-paalam to me. It's true naman, ah!
"Jen! Is Rav home? Umalis siya dito kaninang umaga, hindi naman siya nagpaalam sa amin—kahit kay Fem!" Ang nomoblema kong ina na ngayon ay naglalakad papalayo sa amin, habang ang tainga ay katabi nag telepono nito. Si dad naman ay ibinaba ang kaniyang cell phone and looked at me, "What happened?" Animo'y parang walang kaalam-alam sa nangyari kanina.
"Kasama mo si Mommy, Dad. Alam kong kanina pa 'yun nagbubunganga sa tabi mo." Ang pagtingin niya sa akin ay tila nag-isip pa at ngumiti naman sandali. "Oh! Right! Ikaw na ang bahala sa Mommy mo, Fem." Wala naman akong choice kung hindi gawin ang sinabi ni daddy.
I tried to think what I would do next.
Ngayon na wala na si Rav sa bahay namin—hindi man lang siya nagtagal ng kahit dalawang araw lang. Ang hina naman niya! Samantalang ako ay ang dami ko nang pinagdaanan sa bahay mansyon, but I’m still here! Standing at walang galos! Hindi man lang ako lumayas sa kanila.
Weeks past… para akong naloloka. I really missed my best friend at nabibigo na rin akong magbasa ng story ni Light. Why did they not end up together?
Pakiramdam ko ay ibinigay na sa akin ang story na iyon, bilang isang parinig sa katotohanan na wala akong pwesto sa puso ni Rav.
Tulad ng story ni Light at Lucy, parehas lang na mas matanda ang lalaki sa female character at nagkagusto si Lucy kay Light sa hindi inaasahan na pagkakatoon. Nahulog si Lucy kay Light, pero nalaman niya na hanggang batang kapatid lang ang tingin nito sa kaniya. Ang galing, ano? Parang same na same lang sa amin ni Rav. “I wish that you’re here,” wika ko sa telepono, habang ka-videocall si Lucia.
“I wish it, too. Hayaan mo at uuwi na rin naman na ako, pero, I guess na hindi na ako sa Manila.” Umawang ang labi ko sa narinig. Babalik na si Lucia rito? Kailan?! I was overwhelmed with joy that I could not even sleep for days!
Ang inakala kong matutuloy talaga ang uwi niya, ay hindi naman nangyari. Her mother passed away, while her father was shot in the head. Ngayon ay kailangan niyang magtago pa rin kasama si Light sa Switzerland. Months past, parang hindi ko na nakakausap si Lucia.
No calls, text… kahit si Light ay ganoon din. Para akong naiwan sa ere, pero naiisip ko na kailangan lang ni Lucia ang mag-isa. Wala ako sa tabi niya, habang mas kailangan niya ako. Mas maiinam na intindihin ko na lamang siya sa kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon at plano sa buhay niya, kahit pa ang kapalit no’n ay ang maging mag-isa ako at nami-miss siya.
“What is it?” Hindi ko alam kung bakit ba hindi ako ma-amuse sa mga lalaking nakaka-date ko ngayon. Pangalawa na ata ito ngayong buwan, hindi rin alam ng mommy and daddy na nakikipag-date na ako sa kung sino mang pinapakilala sa akin ni Jazmine Bel. “A bear?” Nahihiyang sabi ni Jason sa harap ko ngayon.
May dala-dala siyang bear na mukhang malambot sa paningin ko, pero hindi ko gusto ang kulay. Hindi na siya pasok sa ganda ng kwarto ko. I only like pinks and lavenders—tapos bibigyan niya ako ng isang brown na oso? Baka atakihin lang ako sa puso sa tuwing nakikita ko ‘to sa umaga.
“Thanks.” Kinuha ko iyon at ngumiti na lamang kay Jason, kahit na sa isip-isip ko ay maari ko naman itong ibigay sa mga kasambahay namin, para sa anak nila. I would never put this in trash, kasi maari naman magustuhan ito ng anak ng mga kasambahay namin, right?
“Gusto mo ba na lumabas tayo next week? Ang sabi sa akin ni Jazmine, ay mahilig ka raw manood ng movie.” Tumungo na lamang ako bilang sagot. Hanggang ngayon ay hirap na hirap pa rin akong pagkumparahin ang dalawa kong naka-date kay Rav. Hindi ko naman naka-date ang lalaking iyon, pero sa tuwing nahahawakan ko ang kamay nila at nahahalikan ang pisngi ko’y palagay ko ay nagche-cheat ako.
Bakit ba kasi ganito pa ang napi-feel ko? I still feel like Rav's girl, despite the fact that I'm not.
Jason is a great person, so as Marvin: ang una kong naka-date. Kaya lang naman ako hindi na nagparamdam kay Marvin, ay dahil hinawakan niya ang kamay ko.
Tulad nga nang sinabi ko ay pakiramdam ko ay nagche-cheat ako sa tuwing may hahawak sa akin, pero nasa isip ko lang naman iyon. Ganoon pala ang pakiramdam, kapag ang puso mo ay may ibang nilalaman. Kahit ano pang ang gawin kong kalimot sa kaniya ay minumulto pa rin ako ng pagmamahal ko sa kaniya.
Damn you, Ravemonte Fuego! Paano ka ba kalimutan?
Ito na ang huling sem ko at next-next month ay senior high na ako. nakaka-proud lang na ilang taon na lang ay magka-college na ako! “Ihahatid na kita sa bahay niyo, gusto mo?” Mabilis akong umiling, dahil hindi siya pwedeng makita ni mommy at daddy. Ayoko naman na isipin ng mommy at daddy na may boy friends na ako.
“No! ayos lang naman sa akin, kung ako na. Strict kasi ang parents ko.” Palagay ko naman ay hindi na siya mangungulit sa akin, tulad ni Marvin. Kakatapos lang namin kumain sa isang resto at pasalamat na lang talaga ako’t hindi siya nagbalak na hawakan ang kamay ko o halikan ako sa pisngi.
“Bye!” Paalam ko sa kaniya at pumasok na ako sa loob ng kotse. Nakauwi naman ako sa bahay ng safe. “Ate Inday!” Tawag ko sa isang kasambahay na matagal na sa amin.
“May anak ka, hindi ba?”
“Mayroon, Ma’am!”
“May malaking bear doon sa van, kunin mo na lang at ibigay sa anak mo, ha?” Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon niya, pero narinig ko siyang nanghingi ng pasalamat sa akin. Sa pag-akyat ko pa lang sa kwarto ko ay humiga na ako sa kama. pinagmasdan ko ang telepono ko, kung may chat na si Lucia sa akin, pero wala.
Hindi ko na lamang namamalayan ang sarili ko na naka-pout na at nag-search na lamang nang pwedeng mapanood para sa next week na sinasabi ni Jason.
“Balita ko ay mag-date kayo ulit ni Jason, this Saturday, ah!” Binangga ni Jazmine Bel ang balikat ko. Naglalakad kaming dalawa paparoon sa canteen, pero walang-wala talaga ako sa sarili ngayon. Lagi na lang akong may kulang sa tulog, kakaisip kay Lucia. Baka mamaya ay nag-suicide na pala iyon at hindi ko alam!
“Fem?”
“H-ha?” Parehas tumaas ang dalawang kilay ko sa kaniya, nang tumaray naman ito. “Bakit ba lutang ka? High ka ba?” Alam ko ang ibig niyang sabihin, kaya isang hampas lamang sa braso niya ay narinig ko na ang tawa niya.
“Nag-aalala lang ako kay Lucia. Ilang buwan na siyang walang paramdam sa akin, Jaz.” Kilala naman niya si Lucia na dati niyang kaaway sa room. Noong nawala si Lucia ay naging magka-seatmate kami sa bago naming homeroom. “Well, wala na tayong magagawa r’yan, Fem. People come and go,” ani niya pa.
“Kung gusto ka kausapin ni Lucia ay matagal niya na iyang ginawa. Kung talagang best friend ang tingin niya sa ‘yo ay hindi ka niyan iiwan na para bang wala kang naging silbi sa buhay niya.” Mabigat ang paghinga ko, dahil lahat nang sinabi ngayon ni Jaz ay patama iyon sa akin. Ako ang wala sa tabi niya noong mas kailangan niya ako.
Ako nga ang iniwan ni Lucia, pero ako ang naging walang silbi sa pagiging magkaibigan namin. Kung sumunod ba ako sa kaniya sa Switzerland ay ganito pa rin ba ang mangyayari sa amin ngayon?
“Hayaan mo na siya, Fem. Magpaparamdaman naman ang mga tao kapag need lang nila ng help. Pustahan tayo, kapag kinausap ka ni Lucia, need niya lang ng tulong mo.” Hindi naman ganoon si Lucia sa paningin ko. May oras na naiinis ako kay Jaz sa mga pinagsasabi niya kay Lucia.
Ganoon lang siguro siyang tao, gawa nang hindi naman niya kilala nang lubusan si Lucia.
“Aalis ka ngayon? Tuwing sabado ay lagi kang naalis, Fem.” Naka-get up ako, nang bumaba sa sala. Naroon ang mommy at nagyo-yoga. Abot-abot niya ang kaniyang paa, habang nakatalikod ito. “Manonood lang kami ng sine ni Jazmine Bel.” Kilala ni mommy si Jaz, pero sinabi niya na sa akin na hindi niya gusto ang karakas ng kaibigan ko.
Mas prepared pa rin daw niya si Lucia, kaysa kay Jaz, pero ano ang magagawa ko at wala naman dito si Lucia. Noong nalaman niya na namatay na ang mommy ni Lucia ay sila lang ang pumunta roon. Hindi niya ako sinama, dahil maaring maging delikado at ako lang daw ang nakikitang kasama ni Lucia noon.
Nagkaroon na rin ako ng bodyguards noong kailan, matapos ang issue na nabaril ang daddy ni Lucia sa ulo. Alam kong nagkagulo ang Mommy at Daddy, sa takot na baka madamay ako. They doubled the guards for me, pero iisa lang ang iniisip ko no’n… si Lucia.
“Yeah! Yeah! Mag-iingat ka, Fem, okay? Tumawag ka sa driver kapag pauwi ka na, hindi ka pwedeng umuwi nang mag-isa.” Huminto siya sa kaniyang rabbit pose at tumingin sa akin. “Alam ko naman po iyon, Mommy. Hindi rin naman po ako magpapagabi, dahil kapag hindi kita sinunod ay talagang itatapon mo na ako sa Santa Polera.” At ayoko naman na mangyari iyon—magkikita lang kami ni Rav doon.
“Talaga lang, Fem!” Turo niya pa sa akin.
Bumalik siya sa kaniyang pagyo-yoga at ako naman itong nagiging maingat na huwag talagang mahuli ni mommy na nakikipag-date sa lalaki. Ito ang una niyang bilin sa akin, dapat daw ay kilala niya ang lalaki at ang background nito. Mamaya raw ay dalhin daw ako nito sa kung saan at patayin, tapos hindi raw niya alam kung sino ang kasama ko.
“Sorry! Late ako!” Nakangiti kong sabi kay Jason. Suot-suot ko ang isang cream off shoulder dress na hanggang tuhod ko lang. Nakatirintas naman ang buhok ko ng isang buo at na ang tail niyon ay nasa kaliwang braso ko. “You look pretty today, Fem.” Alam ko.
Kailan ba ako hindi naging maganda? Pakiramdam ko sa patagal nang patagal ng panahon ay nagiging sarcastic na ako, habang tumatagal. Lahat nang maari kong sabihin ay nasa utak ko lang at hindi ko malabas. I judge people in my head, hindi ko rin naman sinasabi kay Jaz na pangit ang isa naming classmate.
“I bought tickets, pakiramdam ko naman ay gusto mo ang ganitong movie. Romance raw ito.” It f-cking end up like a sad romance! The boy died in the end at halos ang sakit na ng lalamunan ko sa pagpipigil kong umiyak! Inabutan ako ni Jason ng kaniyang panyo.
Kanina pa ako nilalamig, pero hindi man lang niya ibinigay ang jacket nito sa akin. Kasalanan ko rin naman, sino ba ang engot na magsusuot ng ganito kahit na alam nang manood kami ng sine? Hindi ba’t ako.
“I’m sorry! Hindi ko alam na mamatay pala ang lalaki.” Mas lalong nanginig ang labi ko, habang papalabas na kami ng sinehan. “Sana ‘yung babae na lang ang namatay, ano?” bigla niyang bigkas sa akin.
Kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya. “Bakit naman?” tila napalitan ng inis ang lungkot ko sa narinig. “Dahil hindi niya sinagot ‘yung lalaki, kawawa naman.” Dahil lang hindi niya sinagot ‘yung lalaki ay dapat ‘yung babae na ang namatay? Sana ay ikaw na lang ang kinuha, Jason!
Patago akong tumaray sa kaniya nang nagpa-reserved daw siya ng mesa sa amin sa isang mamahaling steak house dito sa BGC. Nauna pa siyang umupo sa akin, at ako naman itong nakangiti lang sa kaniya.
Gentel-ass!
Umupo ako sa harap niya at doon na isip na ito na ang huli naming date! Hindi ko na siya kakausapin pa kahit kailan. I like bad boys, pero hindi ko naman naisip na ganito. Ang mga bad boys sa isip ko ay gentleman pa rin! Ito? Walanghiya na ‘to.
Kung upuan nga ay hindi niya kayang iurong para sa babae niya, ano pa kaya kung mag-asawa na. Hindi ko siya pinapansin maigi, dahil hindi na ako natutuwa sa kaniya.
“Are you mad at me, Fem?”
“No.” Yes! Ass-head!
“Akala ko galit ka, dahil hindi ko naiurong ang upuan mo. Kapag sinagot mo na ako ay iuurong ko na iyan para sa ‘yo sa tuwing kakain tayo. Saka nililibre naman na kita, kahit mayaman ka. Dapat nga ikaw ang gumastos sa sine natin, e.” Kumunot lalo ang noo ko sa lalaking ito. Ang lakas naman ng apog niyang sabihin iyan sa akin! Samantalang nananahimik lang naman ako at siya itong niyaya ako!
“Oo nga,” pagsang-ayon ko sa kaniya, dahil hindi na niya ako makikita ulit talaga! Dumating ang order naming dalawa at nawawalan na ako ng ganang kumain, dahil sa kaniya. Nakakahiya naman kasi at libre niya ito, pero dahil mabuti na lang at mataas ang pride ko ay ako na ang magbabayad nito para sa kaniya.
Sa kalagitnaan nang aming pagkain ay nagulat ako sa tanong nito, “Gusto mo ba sa hotel mamaya?”
I was ready to say something when I heard someone say behind me, "You're both underage to go to hotels, kids." Nang lingunin ko iyon ay nanlaki pa ang mga mata ko. “K-Kuya Dell?” Ngumiti naman siya sa akin at hinimas ang ulo ko.
“Huwag kang sasama sa kaniya, Fem, okay? Call your driver to take you home. And you…” Umayos ng upo si Jason at tumingin naman sa akin. “I thought you’re only child, Fem?” mahina, ngunit banayad niyang tanong sa akin.
“Do your parents own a business?” Lumunok lang si Jason at mukhang kilala niya kung sino ang kausap nito. “Y-yes, Sir.” Nahihiyang sagot nito.
“Company name?”
“P-Platino Tradin—” Itinaas ni Dell ang kaniyang kamay na para bang sinasabi kay Jason na huwag nang magsalita pa. “Go home, Fem. Hindi ka mabubuhay ng lalaking ito.” Tumayo naman ako at agad na tumungo, pero kinakabahan pa rin dahil baka sumbong niya ako kay mommy. Well, hindi naman sila close ni mommy kaya’t alam kong hindi naman siya magsusumbong sa magulang ko.
“Jason, I'm paying for this. Thanks for today,” paalam ko sa kaniya at naglapag na rin ng perang higit pa ata sa bill namin ngayon. Kinuha ko ang bag ko’t nagpaalam na rin kay Kuya Dell. Tumungo naman siya sa akin kaya nag-text na ako sa driver namin.
Palabas na ako nang lingunin ko ulit si Kuya Dell, pero may katawagan na siya sa kaniyang telepono. Hindi naman niya ako siguro sinumbong kay mommy, hindi ba?