CHAPTER 14

1689 Words
GOODBYE, RAV I THINK I'M GOING TO DIE! Dear, Lord! Kunin niyo na ako! Huwag sana akong patayin ni Rav, unahan niyo na siya. Hingal na hingal ako sa paglalakad—makaakyat lamang sa patungo sa kwarto ko. "Bwesit ka, Lucia..." Halos paulit-ulit kong wika sa aking sarili. What should I do? I tried to think—halos na baliw lang ako sa kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Of course he's not dumbed, na hindi niya marinig at maintindihan ang sinasabi ni Lucia. Sa sobrang lakas ng boses niya ay alam kong mage-gets at mage-gets niya ang sinasabi ng kaibigan ko, "What should I do?" Halos paikot-ikot ako sa kwarto't kagat-kagat naman ang aking isang daliri. "Maybe, mag-confess na lang ako?" Ngunit agad akong umiling, hindi naman ako pwedeng mag-confess sa kaniya agad, dahil hindi ko rin naman kayang gawin iyon. Nakikita ko pa lang ang mukha niya ay para na akong nauubusan ng hininga. Kahit kunot ang noo niya'y hindi pa rin nawawala ang gwapo sa mukha nito. Minsan ay ako na lamang ang umiiwas ng tingin sa kaniya, dahil kapag titignan ko ang mala-anghel na pigyura nito'y napapalunok na lamang ako. Nawawalan ng boses at nalilito. Aaminin ko na minsan ay nagagalit ako sa kaniya, pero hindi sa paraang kaya kong magtampo at hindi na siya mamahalin. Nakakainis na bakit sa kaniya ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam. Siguro ay dahil siya lang talaga ang lalaking una kong nakasama at nakilala, nang iyong bilang kaibigan. Nakilala ko si Light, pero puro kaway-kaway lang talaga ang ginawa niya sa akin, puro kumusta. Kay Rav? May kung ano sa kaniya na hindi ko makita sa iba. Kung titignan ang una naming pagkikita, hindi mo talaga maiisip iyon. Ang bastos talaga... Talking to myself for hours has helped me, pero iisa lang talaga ang sinasabi ng utak ko. Kailangan ko talagang mag-confess sa kaniya, hindi ko naman kayang gawin. "E, ano ang balak mo?" Tanong ko sa aking sarili mula sa salamin na kaharap ko. "I can't even talk to him, nang hindi nauutal at me-mental block?!" Galit ko ring sagot sa sarili ko. Oh, 'di ba? Parang may sayad na. Kakaiba talaga ang pagmamahal, para kang binabaliw at mababaliw ka na lang sa nararamdaman mo at kakaisip mo nang paraan. "Okay, fine! Para hindi na tayo mag-away, self. Aamin na lang ako!" Turo ko pa sa sarili ko. "Ikaw may sabi n'yan, ah!" Minsan ay pakiramdam ko'y kailangan ko na magpa-check talaga sa ulo. Sino ang sira na sasagutin ang sarili niya't tatanungin? Sino ang sira pa ang makikipagtalo sa sarili niya? I make silip sa pinto ko, mabuti na lang talaga at wala akong nakitang anino ni Rav. Ang kwarto niya ay malapit lang sa akin. Hindi malaki ang bahay namin kaysa sa bahay nila sa Santa Polera, but I'm also make sure our house is clean and beautiful! "Are you looking for me?" Nanlaki ang mata ko, nang makita ko si Rav na nakatiklop ang braso nito't nasa kabilang gilid ng pader mula sa pintuan ko. "W-wala..." mahina kong sagot at akmang isasara na agad ang pinto nang harangan niya iyon ng kaniyang palad kaya't naipit ko. "F-ck!" Sigaw nito na ikinakaba ko. Hindi ako marunong sa mga first aid kit, hindi ako marunong kung paano gagamutin ang palad na naipit sa pinto. "Hala! Hala! Oh, my gosh! I'm sorry, Rav!" Paulit-ulit ko iyong bigkas sa kaniya, saka siya hinila. "A-aray! Palad ko naman! Alam mo nang naipit, hinila mo pa!" Dali kong binitawan ang palad niya't kinuha na lamang ang braso nito. Dahan-dahan ko siyang idinala sa aking kama at agad naman na pinaupo roon. "Kaya mo umupo?" Tumaas lamang ang tingin sa tanong ko. "Hindi pwet ko ang naipit sa pinto." Galit nanaman siya agad! Kalma lang, daddy! "S-said ko nga," ani ko. Tumakbo ako sa gilid at kumuha nang kung ano'ng pwede kong malagay sa kamay niya. Mabuti na lang talaga ay may ibinigay si mommy na kit sa akin, just in case. Hindi ko pa nagagamit ang iba rito, dahil hindi naman ako nasusugatan. Lagi lang naman kasi akong nasa bahay at nasa higaan. Masusugutan pa ba ako kung wala naman akong ginawa, kung hindi ang humilata lang? "I-I have here... This! Akin na ang kamay mo, lalagyan ko nito." Binuksan ko ang betadine at agad na itinapon iyon sa palad niya. Hindi ko nga alam kung tama ba 'to, pero baka makatulong 'to. Wala akong narinig na kahit ano mang angal niya, kaya palagay ko ay tama nga itong ginagawa ko. "Ano pa ba? Ano pa ba? Ah! Ito!" Pinatak-patak ko ang puting may color red na nakasulat ay Agua Oxigenada. Wala rin akong alam kung para saan ba 'to. "Lagyan ko nito!" Tila may ilalagay pa akong pampatak sa kaniya, nang kunin ni Rav ang palad ko. "Calm down, wala naman akong sugat." Nanginginig ang labi ko at animo'y gusto nang tumulo ng mga luha ko. "I-I'm sorry." Yumuko ako at doon na nagsiunahan ang mga butil ng tubig na nanggagaling sa aking mata. Wala na ba talaga akong nagawang tama? Kung sinabi ko ba agad sa kaniya na may gusto ako at hindi na ako nagtago sa sarili kong nararamdaman, ay hindi na ito mangyayari? "I… Rav, I didn't mean to hurt you. I swear..." Tipa-tipa ang bawat bigkas n'yon sa kaniya. Sa bawat salitang binibitawan ko ay natatakot ako sa maari niyang bigkasin. "I know. Stop crying, Fem." Umangat ang mukha ko, matapos niyang idaplis ang daliri niya sa baba ko at iangat iyon. Ngayon ay nagkasalubong ang mga titig namin sa isa't-isa, pero agad akong umiwas. "Ito na lang ang ilagay mo sa palad ko." Ibinigay ni Rav sa akin ang naka-rolyong puti. Tumungo na lamang ako at saka ginawa ang gusto niya. Iniikot ko iyon sa kaniyang palad. "Nilalayuan mo ba ako, dahil sa sinabi ko sa boy friend mo?" I felt my heart beat loudly, parang lalabas na nga ito sa dibdib ko sa kaba. Iyon ba ang tingin niya kaya ko siya nilayuan kanina at tumakbo? Hindi niya ba narinig ang sinabi ni Lucia? Imposibleng hindi niya marinig iyon, gayoong sobrang n'yon! "No." Tipid kong sagot sa kaniya. Nagpatuloy lamang ako sa pagrolyo ng puting tela sa palad niya nang paulit-ulit. Uubusin ko ba ito sa kaniya? Kasi makapal na ito. Mukhang dapat lang na makapal ang gawin ko sa kaniya—para hindi na siya mahirap pa. "Then, why?" Sasabihin ko ba sa kaniya? Tinanong naman niya ako kung bakit, hindi ba? "You heard it, right? Itinatanong mo lang sa akin, dahil alam mong mahihiya ako." Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko sa kaniya—mukhang totoo nga ang nasa isip ko. Narinig niya, pero ayaw niyang sa kaniya manggaling ang sinabi ni Lucia. "I need to explain, para hindi mo ako awayin." Kinuha ko ang paper tape at tila iyon naman ang pinaikot ko sa kaniyang palad. "I believe something in my heart has a place for you." Walang utal-utal na bigkas ko. Tinaas ko ang tingin ko sa kaniya, at siya naman itong nakatingin lamang sa akin. Pinagmamasdan ako. "I love you, Rav." I blink twice as I boldly say it. sa harap niya. Good job, Fem! Ang galing-galing mo! Palagay ko ay matutuwa talaga sa akin si Lucia, kapag nalaman niya na nagsabi na ako nang nararamdaman ko kay Rav. "Look..." bigla niyang sabi sa akin. Is he about to... Say something that will break my heart? Inaasahan ko naman iyon, pero hindi ako handa. Alam ko naman na mangyayari ito, But I didn't think I could handle it just now.. "You can't say that you love me." Kumunot ang noo ko, bakit naman hindi ko pwedeng sabihin iyon? "W-why? Iyon ang nararamdaman ko!" "You're only a child! You know nothing about love!" Medyo tumaas na rin ang boses niya sa akin. Hindi ko matanggap ngayon ang sinabi niya. "That does not mean I can't express my deep feelings for you! Oo, bata pa ako, but I know what these feelings are! Alam kong may gusto na po ako sa 'yo!" Umiling siya sa akin at agad na pinunasan ang luha ko. I feel humiliated., lalong-lalo na at ganito ang sinabi niya sa akin. Akala niya ba ay pang-adults lang ang ganitong pakiramdam? Well, they called it puppy love! "Fem, don't cry because of this." Huminahon siya kung kausapin ako. Inayos niya ang kaunting buhok sa aking tainga. "You're too young to understand what love is," wika niya. "At ikaw ay alam mo? You have lots of girl friends, Rav. Why don't you make me one of them?" I know! I'm desperate, at hindi ko na rin naman na mababawi ang sinabi ko sa kaniya. His eyes widened as if he hadn't expected, na sinabi ko iyon sa harap niya. Para siyang na pipi at tanging pangtikom lamang ng bibig nito ang nagawa niya. In a brief seconds, ay nagsalita na rin siya sa akin. "Hindi mo maiintindihan. Ayang nararamdaman mo ay hindi totoo. How can you say you love me when you have boy friends? That’s not love, Fem.” Tila doon nag-init ang dugo ko. Bakit siya pa ang nakakaalam ng nararamdaman ko? Hindi na lang niya ako tapatin. “You can’t love me. You’re young and I’m—” “Old?” Tumahimik naman siya sandali. “Humanap ka nang kasing edad mo, Fem. Makakahanap ka ng lalaking—” Hindi ko nanaman siya pinatapos muli. Ayoko na marinig ang mga sasabihin pa niya. “You’re right. Isa pa ay hindi mo rin talaga ako magugustuhan, dahil wala pa akong karanasan. Perhaps all the boys are yearning for wild girls, right? Baka makahanap ako ng lalaking tuturuan ako, iyong kaedad ko.” Kanina pa niya gusto sumabat sa mga pinagsasabi ko pero hindi siya makakuha ng tyempo. “Can I kiss you, Rav? I'll leave all of my feelings in that kiss and forget about you.” Pinagmamasdan niya lang ang mga mata ko. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at doon dinampian ng halik ang labi niya. This time, I’ll forget you. Goodbye, Rav.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD